Mula sa mga ninuno itoy tinangkilik at pinahalagahan,
Maraming bakbakan at himagsikan ang nagdaan
Ngunit itoy sumisombolo parin ng kayamanan,
Di maikakaila, Ibat-ibang labi ang nakipagsagutan
Para itoy pahalagahan at ipagmalaki ang ating bayan,
Pambansang bayani ng ating bansa ang isa sa nakipagsabayan.
Wikang Filipino sadyang Ika'y hirap kalimutan,
Mga lenguwahe man sa mundo’y nagsipagkalatan
Subalit ang kinang mo'y sumisombolo ng karangyaan,
Hindi maitatanggi na di kumukupas ang iyong kagandahan
Sapagkat ang mag tao’y patuloy kang pinag-aaralan
Di lang sa Pilipinas pati ibang bansa’y tanyag ang iyong angking kagandahan.
Bawat bigkas at bawat letra ng iyong salita
Sumasalamin sa mayamang kultura ng ating bansa,
Tila'y mga pilipino ay patuloy na pinagpapala sa kinang ng kultura sa iyong mukha,
Kahit ilang dekada man ang lumipas, di ka kailanman mabubura
Tulad ng salamin, repleksiyon mo’y nakatataas-noo saan man magpunta
Walang kang katumbas na yaman at karangyaan ng kultura.
Nakaraan at kasalukuyan, mga balintataw ng iyong kayamanan
Patuloy ang pagtangkilik sa’ting bayan dahil sayo'ng kadakilaan
Mula Hilaga, Kanluran, timog at Silangan kinang mo’y masisilayan
Tuna'y kang walang kapantay, wika kang ipinaglalaban
Gayundin, sumasalamit ka sa lahat ng mamamayan
Di ka kailanman mabubura, ikaw ang tunay na kayamanan!