Wika, Apat na letra na siyang tunay na mahalaga
Sa bawat sulok ng bayan ay binibigyang sinta
Wikang Filipino, Wikang Pambansa
Mga Pilipino siyang gamit na dalubhasa.
Wikang Filipino salamin ng mayamang kultura
Sapagkat magagandang asal at tradisyon, ay tunay na ipinapakita
Sa paggamit ng Wikang Filipino ay sadyang kahali-halina
Mula Luzon, Visayas, Mindanao nagiging isa sa bawat wikang sinasalita
Patunay na sumasalamin sa yaman ng kultura natin
Na siyang naging kasaysayan ng bawat lahing naging atin
Pagiging malaya sa mananakop isinulat ng lubos
Mga bayaning nagbigay buhay sa manunubos.
Wikang Filipino nagsilbing tulay sa pagsulat ng tradisyon
Kaya't mga ninuno natin nagturo ng sapat na imbensyon
Na ang magandang asal at kultura ay nararapat na pagyamanin
Pagkat ito'y buod ng pagiging Pilipino natin.
Malayang naipapahayag ang bawat damdamin
Mula sa paggamit ng Wikang salitain
Wikang Filipino ay tila talang kumikislap
Sa pagbibigay liwanag sa mga salitang sinisiyap.
Kaya naman, patuloy na dapat linangin ng bawat henerasyon
Itong wikang Filipino, na siyang yaman at pundasyon
Na sana'y Sa bawat isip at puso manahan sa atin
Pagkat ito ang wikang pagkakakilanlan ng bawat Pagka-Pilipinong damdamin.