Ating wikang pambansa, wikang Filipino
Hindi maipagkakaila, tunay nga ito’y ginto
Sa bawat titik, sa bawat parirala ng wikang minahal,
Kuwento ng bayan ay naisisiwalat
Hindi maikukubli, hindi maitatanggi
Sa puso’t diwa, ito’y nag-aalab at nakaukit
Ating wikang Pambansa, wikang Filipino
Pamana ng ninuno at lahi, ating yaman
Mula sa libu-libong awit, at mga tula,
Bahagi ng pamumuhay, sumasalamin sa hitik na kultura
Sa bawat pagbigkas at bawat pahayag ng damdamin,
Kultura ng Pilipinas na minamahal ay nabibigyang kahulugan
Wikang Filipino, tunay nga ito’y ginto
Tunay ngang ito’y tulay sa pagbibigay-buhay
sa ating kagalakan, pag-ibig, kalungkutan
At higit sa lahat ay pag-asa
Pag-asa na patuloy na naipapasa
Sa mga susunod na henerasyon, oo meron pa
Sa pabago-bagong agos ng panahon
Sa patuloy na pagdaloy ng buhay
Ang wikang Filipino man ay nakararanas din ng pagbabago
Sapagkat kultura ng Pilipinas ay patuloy na umiigting
Ating wikang Pambansa, wikang Filipino
Hindi maipagkakaila, tunay ito’y ginto.