Wika mo, Wika ko, Wikang Filipino
Pinagtagpo magkahiwalay nating mundo;
Nagmulang pareho sa magkabilang dako
Sa iisang wika, nagkakilala at nagkasundo.
Sa ibang bansa, ipinagmamalaki sa madla
Ang pagiging Pilipino saan man magkita;
Wikang kinagisnan hindi nakakalimutan
Sa pakikipag-usap sa kanilang kababayan.
Wikang Filipino, salamin ng mayamang kultura
Mamamayang Pilipino hindi ito ikinakahiya;
Saan man mapunta, ito ang ginagamit nila
Sa pakikipagtalastasan sa kanilang kapwa.
Kailanma‘y hindi pinagbigyan, ang wikang dayuhan
Na pangunahan ang wika ng mahal nating bayan
Bawat mamamayan ginawa itong sandigan
Sa pagharap sa hamon ng ating kinabukasan.