Return to site

WIKANG FILIPINO, TATAK NATIN ‘TO!

ni: JOSEPHINE G. GIRONELLA

· Volume V Issue I

Aliwalas ng pandinig, paglukso ng kasiyahan,

“Pilipinas kong mahal, maunlad na bayan!”

Wikang Filipino, salamin ng kahabagan,

Wikang nagbigay daan sa pagpapayabong ng bayan.

 

Wikang katutubo, diwa ng kulturang nakagisnan,

Papuri’t pagpapahalaga’y siyang ating dakilang kasaysayan.

Sugo ng kasarinlan, tanglaw sa karangalan,

Sandata ng mga Pinoy, saanma’y mapadpad, taglay ang kapalaran.

 

Halaga ng wika sa dakilang lupang sinilangan,

Tunay na nangunguna sa bibig ng kabataan.

Walang agwat ang lahat, walang maralita’t mayaman,

Isang wika, isang salita, buong puso’y nagkakaintindihan.

 

Sa pagkakaisa, hatid nito’y malikhaing kultura,

Wikang Filipino, panitikang naglalaro sa himig na tunay na malaya.

Bawat kataga, paghahabi ay pag-asa,

Tumungo tayo sa papuring wagas, walang kapantay na simula.

 

Ang ningning ng wikang Filipino’y ‘di mawawaglit,

Kahanga-hangang kultura’y tatak na ‘di malulupig.

Isulong ang wika, alagaan, itaguyod ng tapat,

Tungo sa tagumpay, mundo’y ating tumbasan nang tuwid na pag-unlad.