Wikang Filipino, salamin ng mayamang kultura
Kayamanang maituturing sa Pilipinas di mabubura
Sa bawat salitang. sa labi’y namumutawi
Sagisag ng inang bayan, Pilipino ang siyang lipi
Sa mga awit kundiman, damdami’y naipadarama
Kasaysayang buhay sa puso ng sumisinta
Ganun din sa bugtong at salawikain
Dunong ay naipapahayag sa sinisintang angkin
Sa bawat kasabihan damdamin ay naihahayag
Wikang Filipino siyang baluti at kalasag
Salamin ng mayamang kultura sa pusong umiibig
Wika sa Pilipinas, Pilipinong di palulupig
Sa baybaying dagat, bundok man ng ibang lahi
Wika ay nakararating, di mapigil ng ibang lipi
Mga salitang bumubuo sa ating kasaysayan
Nakaukit sa puso hindi kayang pigilan
Wikang Filipino, ikaw ay tunay na kaluluwa
Kasaysayan ng bansa, salamin ng kultura
Dahil sa iyo, Pilipino’y naging isa
Nagbubuklod at nagsasama, lahat ay masaya
Marapat lamang na kami’y maging tapat
Sa anomang paghamon, ikaw ang bubuhat
Magsilbing sagisag at dangal ng lahi
Wikang Filipino, mayamang kultura ng lipi.
Salamat sa iyo, wika ng kayumanggi
Salamin ng kultura, Pilipino ang lipi
Tunay kang dangal na ating lahi
Sa iyo nakikita ang bawat pagpupunyagi.