Bansang Pilipinas ating pagmasdan
Ito’y kakikitaan nang kultura’t kayamanan
Iba- iba ang kulturang kinagisnan
Respeto at pagtanggap ang kinakailangan
Wika, handog ng Maykapal sa bawat nilalang
Regalong di-kayang mapantayan ng kahit na sinuman
Ginagamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan
Salamin ng kultura, buhay at pagkakakilanlan
Wikang Filipino, taas noong ipagmalaki
Sa bawat salitang binibigkas may kasamang ngiti
Saan mang dako mapadpad dapat may pagpupugay lagi
Ang pagiging makabayan dapat ipagbunyi
Ang wikang Filipino, salamin ng kultura
Tangkilikin at paunlarin saan mang dako ng bansa
Ipadama sa ating bayan ang pagmamahal at karangalan
Sa salita at gawa pagka Pilipino’y pahalagahan
Sa bawat salita mga alaala ng kahapon ay di maglalaho
Kasaysayan ay patuloy na namamayani at yumayabong
Lumipas man ang maraming taon
Mananatili sa puso’t isipan ang mga bakas ng kahapon.