Saan nagmula ang kaalamang kultura? Sa bahay? Skwelahan? Lipunan?
Mga batis ng pag-unawa ng makulay at matalinghagang kasaysayan ng iniirog na bayan
Mga batis na inihahain ng kultura bago ka pa man naisilang
Sariling wika ipagmalaki at dapat ingatan
Wikang daluyan lamang ng kaalaman? O wikang nagbubuo ng kaalaman?
Ang wika mismo ang kaalaman, Tungkol sa hinaharayang kasaysayan at kakaibang kultura nakagawian
Ano ba ang tamat mali, moral at immoral, makatwiran at hindi makatwiran
Saan dito ang ugaling iyong kinagisnan?
Mahabang ugat ng pag-unawa sa sariling kultura
Dumaan man ito sa lenti ng kasaysayan, edukasyon at antropolohiya
Kaninong pananaw ang mananaig, kay emic o kay etic kaya?
Mangingibabaw sana ang malawak na pag-unawa
Tinitignan lagpas sa mapanupil na heograpiyang imahe at batayan
Binubuo ng watak watak na mga pulo, kulturat tradisyon, halo halong paniniwala, pananampalatayat pamantayan
Makabuluhang pagtanaw sa diskurso ng bansa bilang buong kultura, espasyo na hindi mawari ang hangganan
Dahil ito ang pamana sa ating mga ninuno na dapat ipagmalaki at igalang
Masasabing sisidlan ng artikulasyon na naging batingaw at alingawngaw ng bayan
Mga bantas at panuto nang nasa rehiyonal, laylayan at sentro ng bayan
kalakip na kinakatawan ang diskurso hinggil sa nagtalastasang retorika ng rehiyon at bansa sa mas malawak na balarila
Gamitin at ingatan para sa ikauunlad ng ating bayan
Wika ang nagsilbing balon at batis sa pagkilala ng makulay na pagkakakilanlan
Masalimoot, nagkakaiba ngunit makulayng mayamang kulturang kinagisnan
Itoy pagtatangka sa pagbuo’t pagbasag sa mga nakapunla sa tao-Filipino mamamayan
Wika ang sandigan para sa kaunlaran
Artikulasyong Pambansa, instrumento sa pag-unawa sa hinaharayang wika
Naging batis ng pag-kakaisa, salamin ng mayamat makulay na kultura
Gamitin ang mga mabuting aral at gintong salita
Kaya ang Pilipino ay, Pili na, Pino pa...