Return to site

WIKANG FILIPINO SALAMIN NG MAYAMANG KULTURA

ni: MARISSA PUGAY BAGACINA

· Volume V Issue I

Perlas na natuturingan itong wikang kinagisnan,

Tulad din ng ating kulturang nakaugalian,

Mahigpit na kapit sa Wika’t kulturang pinagyaman,

Animo’y hiyas na iningatan ng sanlibutan.

 

Umusbong man ang Wikang Filipino,

Sa mga dalubwikang nagpakakatotoo,

Sa ating Wika ay maging isang dibuho,

Kawangis ang Kulturang Pilipino na dinakila rin ito.

 

Salamin ng mayamang kultura, itong ating wikang matatag,

Sinakop man ng ilang dayuhan ngunit hindi nagpatinag,

Na ang sariling wika’y hindi maisantabi,

Pagpupunyagi na ang wika’y natin ipaglaban at nagwagi.

 

Mayamang kultura’t wikang Filipino nitong taglay,

Isinasabuhay at binibigyang -kulay,

Sa bawat mga masasamyong salitang binibigkas,

Taglay nito’y kapayapaan ang mababakas.

 

Wikang Filipinong atin pang pagyamanin,

Kultura’y ating tangkilikin,

Igawad ang respeto’t pagmamahal sa ating mga kauri,

Itayo ang bandila na tayo’y maging Salamin ng papuri.

 

Ikaw, ako, tayong lahat ay maging mulat,

Sa Wikang Filipino tayo’y maging matapat,

Kulturang kinagisnan atin pa rin na kagiliwan

Tatak sa sandaigdigan na tayo’y isang Pilipinong huwaran.