Return to site

WIKANG FILIPINO PARA SA PILIPINO

ni: JEAMAR L. PARANTAR

· Volume V Issue I

Filipino, wika ko at bigkas ng bawat Pilipino,

Gamit ng mga tao’y bisaya, sebwano, Ilokano at Boholano.

Ibat-iba man ang mga ito iisa parin ang Kultura at wikang Filipino,

Wika na higit pa sa tatlo, nagbubuklod na magkaisa ang Pilipino.

 

Ang kulturang Pilipino ang simbolo ng Wikang Filipino,

Pinag yabog dahil sa mga pangyayari sa bansang pilipinas.

Pag babayanihan, pistahan, simbang gabi at sinakulo,

Itoy naisagawa dahil sa pagkakais gamit ang wikang Filipino.

 

Mga kultura at tradisyon ng bansang pilipinas at pinagyabog ng Pilipino,

Pinaghalong impluwensiya ng mga mananakop at katutubo.

Bawat isa ay may kanya kanyang pinag dada-anan,

Ngunit, ang wikang Filipino ang naging tulay at solusyon.

 

Bansang Pilipinas, ibat iba ang paniniwala pero iisa ang adhikain,

Kultura at tradisyon ay gamitin sa tama at bawat gawain.

Ating mahalin at pangalagaan ang wikang Filipino,

Sapagakt ito nag nagbibigay salamin sa bawat kultura ng Pilipino.