Return to site

WIKANG FILIPINO: PANIBAGONG YUGTO

ni: JIEZYL JAMAICA M. AQUINO

· Volume V Issue I

Ang gulo ng mundong aking kinagisnan magmula pagkabata,

Bilyon bilyong katao ang patuloy na nagsasalita,

Ngunit walang nagkakaintindihan ni isa,

Ang aking tenga’y unti-unti nang napapagod makinig sa kanila,

 

Pero may isang liwanag na dumating bigla,

Ang magulong pag-uusap usap ay naaayos na.

Nang dahil kay Wikang Filipino, nakakapag-usap na ang bawat isa,

Wala ng problemang iniisip dahil nagkakaintindihan na sila,

 

Nakamamangha nga naman talaga,

Isang wika lamang pala ang sagot sa problema,

Isang wika na sobrang yaman at mahalaga,

Dahil sa rami ng kulturang nakapaloob sa kaniya,

 

Paano kaya ito naging salamin ng mayamang kultura?

Binase ito sa wikang Tagalog para makabuo ng panibagong wika,

Dinagdagan ang dalawampu ng walo pa,

Ang iba rito ay wala sa ating tinatawag na Abakada,

 

Nang dahil din sa rami ng sumakop sa ating bansa,

Ang wikang Filipino ay mas napalawak pa,

Nadagdagan ng mga salitang galing sa kanila,

At hanggang ngayon ito’y ginagamit pa rin natin sa pang-araw araw na pananalita,

 

Kaya naman sana’y hindi ito makalimutan ng kahit na sino ultimo mga bata,

Na kahit patuloy ang pagbabago sa ating bansa,

Hindi makalimutan ang wikang dahilan ng ating pagkakaisa,

Na patuloy itong pag-aralan at gamitin sa pang-araw araw na pakikipag-usap sa bawat isa,

 

Napakasimple kung iisipin natin, ‘di ba?

Ngunit kung gagawin ay sobrang hirap pala talaga,

Nasa atin ang desisyon kung hahayaan nating masayang ang yaman niya sa kultura,

O kung matututo tayong gumawa ng paraan para ito’y mas magamit pa ng bawat isa,

 

Sana’y katulad ng dati tayo’y magkaisa,

Hindi lamang sa kung anong nais kundi sa ginagamit ding wika,

Na kasabay ng pagbabago ay ang pag-unlad din ng bawat isa,

Sa pamamagitan ng pag-aaral at paggamit ng ating pambansang wika.