Return to site

WIKANG FILIPINO MAHALAGA PA BA?

by: GLADYS AMOR M. EMAN

· Volume V Issue I

Kinagisnang Wika, Wikang Filipino

Hindi maaalis sa puso ng bawat tao

Ngunit ngayon ako ay nalilito

Wikang Filipino tila ba naglalaho

 

Naglalaho sa puso ng ating mga kababayan

Mas pinahahalagahan wikang tinuro ng mga dayuhan

Dahil sa ibang bansa lubos itong naiintindihan

Pati ng matataas na taong kailangang pantayan

 

Wikang Filipino’y napagkakalimutan

Dahil wikang Ingles mas kinagigiliwan

Kung magaling ka rito’y ikaw ay hahangaan

Matalino kang ituring parang katastaasan

 

Ngunit marami pa din ang di pabubuwag

Wikang Filipino tiyak ko’y namamayagpag

Mga taga ibang bansa’y pilit itong hinahayag

Saya sa mukha’y mababakas sa tuwing ito’y mabibigkas

 

Sa puso ng bawat Pilipino hinding hindi mabubura

Pagkat ito ay bahagi na ng ating kultura

Sa mga ninuno ito pa ay minana

Sumasalamin sa bansa, sadyang ito ay mahalaga

 

Ipagsigawan sa ibang bansa

Filipino ang ating Wika!

Hinding hindi mawawala

Ipagmalaki mo, Pilipino ka!