Return to site

WIKANG FILIPINO: KAMALAYAN AT PAGKAKAKILANLAN

ni: HANNAH LORREMAE L. BAYA

· Volume V Issue I

Wikang Filipino, tanging kahulugan

Batis ng kultura at dakilang sandigan

Bawat salita’y likas na yaman

Ating pagkakakilanla’t salamin ng kasaysayan

 

Mga tula’t awit sa iyo’y nabubuhay

Mga kewntong bayan, sa iyo’y naglalakbay.

Sining at kagandahan, sa iyo’y binabahagi.

Wikang Filipino, diwa ng ating lahi.

 

Mga tradisyon at kaugalian, sa iyo'y nadarama,

Paggalang at pagmamahal sa bayan, sa iyo'y nagmumula.

Sa “Po” at “Opo’y” iyong ipinabatid

Wikang Filipino, ika’y bukod tangi.

 

ABAKADA’y naging unang hakbang

Para sa malawak na kaalaman

Mga pangarap at adhikain sayo’y naglalapat

Wikang Filipino, ikay walang katulad.

 

Wikang Filipino, ikaw ay kabiyak ng aming gunita

Ikaw ang sandata, saan man magpunta

Wikang Filipino, ikaw ay aming pagkakilanlan

Ikaw ang aming nakaraan, ngayon at kinabukasan!