Return to site

WIKANG FILIPINO: DALUYAN NG KULTURA

ni: JOVELYN C. MACALINDOL

Sa bawat hibla ng wika,

Sa bawat pantig at salita,

Mayaman ang kasaysayan,

Sa wikang Filipino nakatala.

 

Sa tamis ng salitang pag-ibig,

Sa lambing ng ina at ama,

Naglalakbay sa kasaysayan,

Ang ating mga ninuno, minsa’y Maharlika.

 

Sa bawat salitang binibigkas,

Wikang Filipino’y pumapailanlang,

Daluyan ng kulturang marilag,

Sa [uso’t diwa’y nananahan.

 

Sa bawat awit at kwento,

Sa epiko ng ating lahi,

Wikang Filipino’y tanglaw,

Sa dilim at Liwanag ng buhay.

 

Mag kwento ang ating lahi,

Sa wikang ito’y naisasalin,

Pamana ng mga ninunoy buhay,

Sa bawat hikbi, tawa’t awitin.

 

Sa pista’t kasalan,

Sa bawat handaan,

Wikang Filipino’y sumasalamin,

Sa yaman ng ating tradisyon.

 

Ang kuluray bumabalong,

Sa bawat dila’t lahi,

Nagpupugay sa mga bayani,

Nagbibigay buhay sa ating lipi.

 

Wikang Filipino, ikaw ang sagisag,

Ng kasaysayan at kalinangan,

Ikaw ang daluyan, walang kapantay,

Nang kulturang Filipino magpakailanman.