Return to site

WIKANG FILIPINO, BAUNIN MO KAHIT SAAN PATUNGO

ni: CHRISTINA S. PAGLINAWAN

Wikang Filipino, ikaw ay nabuo

Sa mayamang kultura ng ating mga ninuno

Tunay na salamin ng ating pagkatao

Kaya dapat ipagmalaki sa buong mundo

 

Wikang Filipino, tanda na ikaw ay Pilipino

Kahit saang dako ka patungo

Huwag ikahiyang ikaw ay Pilipino

Laging isaisip at magpakatatotoo

 

Sa tuwing binibigkas, wikang kay tatas

Nagpapakita ng pag-ibig na wagas

Sa paaralan, sa palengke, basta ikaw ay lumabas

Kapag sinambit kailanman di maliligaw ng landas

 

Ngunit sa bawat araw, ito’y nasasaktan

Sa paglipas ng panahon, nababagot nagiging banyaga

Dulot ng balita at sosyal medya

Wikang Filipino, tila’y nawawala sa diwa

 

Ang wika ay yaman

Huwag sanang kalimutan

Sa bawat salita, kasaysayan, at kultura ay tangan

Sa bayang sinilangan

Wikang Filipino, gabay at sandigan

 

Wikang Filipino, sa iyo kami’y nagpapasalamat

Ikaw ay aming tatak, aming pagkakakilanlan

Nagbibigay liwanag sa daang tatahakin

Wikang nagbubuklod at nagdadamayan para sa lahat.