Wikang Filipino, pagkakilanlan natin,
Taas noong ipinagmamalaki ng bawat isa sa atin,
Bahagi ng kulturang kailanman di lilimutin,
Mula pagkabata hanggang tayo ay tumanda na rin.
Nakikisalamuha tayo sa tuwi-tuwina,
Wikang Filipino gamit natin maya’t-maya,
Buhay ay may kulay kapag itoy sumasamyo sa tenga,
Mundo’y magiging maayos kapag ito’y pinayaman na.
Mga dayalektong maririnig sa ating pamayanan,
Iba-ibang kultura, kanya-kanyang kinagisnan,
Sa lahat ng dako makikita at mararamdaman,
Tanda na may komunikasyon sa bawat lalawigan.
Pagpapahalaga at pagkakaisa ay makikita,
Kapag bumigkas na ang pinuno ng bansa,
Maging punong bayan, pati kapitan ng barangay man,
Dahil may pagkakaunawaan sa wikang kinalakihan.
Isipin lagi ang ikabubuti para sa nakararami,
Huwag maging gahaman at walang paki,
Isaisip at isapuso mga gawi na tunay na atin,
Tulad ng mga kulturang ipinagmamalaki natin.
Magiging magulo at walang kahahantungan,
Kapag ito ay hindi binigyang pansin at pinahalagahan,
Tao sa lipunan ay kanya-kanya at walang pagkakaintindihan,
Tulad ng Tore ng Babel ng binago ang wika ng mga nagsisipaggawa.
Kaya’t wika ay mahalaga, dahil salamin ito ng ating kultura,
Kaloob ito ng Diyos para sa lahat ng kanyang mga nilikha,
Upang tayo na tao ay magkaroon ng buhay na kaiga-igaya,
Ipagmalaki at mahalin ito, huwag kalimutang ituro sa bawat isa.