Return to site

WIKA, SALAMIN NG MAYAMANG KULTURA

ni: ALEXANDER ILIGAN MAABA

· Volume V Issue I

Bansang mahal na napapalibutan ng kadagatan,

Pinagbuklod-buklod man ng mga likas na yaman

Subalit pinagkaisa naman ng natatanging hiyas

Ang Wikang Filipino, na itinuring na perlas ng bansang Pilipinas

 

Wikang nagmula sa malayo-polynesian na linguwahi

Binibigkas ng mga ninuno hanggang ng mga salinlahi

Iniingatan at pinagyayaman mula noon hanggang ngayon

Dahil ito’y sumasagisag sa mayaman nating kahapon

 

Bawat sulok ng bansa’y may ibat ibang wika

Nagpapakita ng mga masasaya’t makukulay na kultura

Sa pamumuhay, kaugalian, etnisidad at paniniwala

Na magbibigay ng dunong sa madla

 

Wika ang naging tulay ng nakaraan

Na nagdudugtong sa ating kasalukuyan

At ang magpapatuloy sa ating kinabukasan

 

Wika’y itinuring na puso ng kultura

Di nito kayang mabuhay kung wala ang isa

Kagaya na lamang ng ating kasaysayan

Kung wala ang wika, ito’y di natin matutunan

 

Wika’t kultura’y di puwedeng paghiwalayin

Sapagkat sa isa’t isa’y sumasalamin

Sa kaganapang sumasagisag ng ating kabihasnan

Na sinubok ng ibat ibang kaganapan.

Wika’y itinuring na diyamante ng ating kasaysayan

Na iniingatan ng buong samabayanan

Ang siyang magbibigay ng dunong sa kahapon, ngayon at bukas

Ng mga itinuturing na ginto ng bansang Pilipinas.