Nagtatanong sa sarili, bakit gugugol ng oras,
Matutuhan lamang ang wika ng iba’ng kay hirap ibigkas,
Magagamit ba iyon pagdating ng bukas?
Sapagkat hangarin ay 'di matukoy ang bakas.
Ngunit bawat gabi, pilit isinasaksak sa isipan,
Sa tuwing namamahinga, nawawala ang mga alinlangan,
Sa pagtanggap ng mga salitang ito’y takot ay nababawasan,
Hatid ng bawat letrang isusulat ay kalinawan at kasiyahan.
Wika, siyang pinakasasakdal at magandang kasulatan,
Parang pagtayo sa bisikleta sa tuwing isasalin sa isipan,
Kultura at wikang pumapasok sa puso'y dulot ay kagalakan,
Magkasabay na natamo ang bagong hilig at kaligtasan.
Lakas ng salitang nagmula sa wikang kinamulatan,
Tumatatak sa damdamin ang bawat salitang natutunan,
Di-matitinag na lakas at pagka-kampante ang nararamdaman,
Tanging kumpyansa sa wikang Filipino ang matutunghayan.