Sa bansang hindi isa lamang ang dayalekto.
Sa kulay ng kultura na panalita’y perpekto.
Ang bayan kong, walong wikang sinasalita
Bawat isa’y tuturuan kang maging makata
Bikol, Ilokano, Hiligaynon at Pampanggo
Tagalog, Pangasinan, Waray at Sebwano
Marhay na aga ang bati ng mga bikolano
Matayog na Mayon sa iyo’y sasaludo
Masarap ang kanilang laing at kandingga
Naimas! sabi ng Ilokano sa longganisa
Sa Ilocos ang Calle Crisolo ay sikat at kilala
Tila ang nakaraan at kasalukuya’y nagsama
Ano imo ngalan tanong ng mga Hiligaynon
Sa pancit molo nilay Namit! iyong tugon
Isla de Gigantes ika’y mamangha sa ganda
Malaus Kayu ang bati ng taga-Pampanga
Pindang damulag sa kanila ating tikman
Nayong Pilipino lugar tila galing nakaraan
Ito ay ilan lamang sa walong mayor na wika,
Wika na iba’t ibang may angking ganda
Gaya ng mga lugar at pagkain’t mga tao
Ang wika sa Pilipinas ay isang simbolo
Simbolo ng pagkakaiba ngunit naguugnay
Na hindi maging malansang isdang nakahanay