Return to site

WIKA MO, KULTURA KO

by: MARY GRACE C. MANTE

· Volume V Issue I

Wikang Filipino,

Wika mo

at wika ko

noon at ngayon.

 

Kulturang Filipino,

dito o saan man sa mundo,

laging ipagmalaki

ang mayamang kulturang Filipino.

 

Wika mo, kultura ko

saan mang lugar

dito sa bansa,

mahal ko ang kulturang Filipino.

 

Mga pyistang Filipino,

dinadayo ng mga turistang pinoy at banyaga,

kinagigiliwan at bukang-bibig

sa tuwing uuwi sa inang bayan.

 

Wikang Filipino,

salamin ng mayamang kultura,

dinadayo at minamahal

ang wika mo, kultura ko.