Wika ang natatanging yaman ng bansa
Sumasalamin sa ating kultura
Nagsisilbing daan upang isiwalat ang ideya
Maging pasulat man o pasalita
Naibabahagi ang karanasan at diwa
Wikang Filipino, ating sariling wika
Subalit may ilan pa ring hindi marunong magsalita
Mas bihasa pa sa salitang banyaga
Mula pagkabata’y hinasa
Upang magmukhang dalubhasa
Sariling wika’y di mabigkas ng tama
Mismong sariling wika’y pinupuksa
Pag wari mo’y malansang isda
Wika, Ikaw ba’y mahalaga?
Anong kahihinatnan ng ating bansa pag ika’y nawala?
Tayo ang tagapagtaguyod ng ating wika
Huwag nating hayaang talikuran ng madla
Ipagmalaki at huwag ikahiya
Ito’y nagbibigay halaga at ligaya
Tatak Pilipino at daan tungo sa pagkakaisa