Wika’y kakatawan sa natatanging kultura ng lipunan
Habi nitong mga saita’y pili at pinag-iisipan
Salamin ito ng kahapon na patuloy na ilalaban
Ito ay Wikang Filipino na ating kinagisnan.
Hayaang muling ihayag ang karanasan at pinagmulan
Kulturang kinagigiliwan sa saliw ng wikang natutunan
Galak na nararamdaman salamin ng yaman ninuman
Tuklasan mga katagang ninuno ang siyang nagturan.
Una, ang wika natin ay sumisimbolo sa kalayaan
Sa pagsakop nitong mga banyaga kultura ay naiba
Pamumuhay, pananamit, gayundin ang wikang dinadala
Sa paglipas nitong panahon, talino ang siyang naging sandata.
Ikalawa, sa pagsibol at pagmulat ng bagong henerasyon
Dala nito’y mga kulturang animo’y malalakas na alon
Humahampas sa isipan, bagay natutunan sa bawat taon
Iba’t iba man pagkakakilala, sa puso ay iisa ang nilalayon.
Ikatlo, lalim at natatanging wika ang nais makamit
Hadlangan man ng napakaraming mga salitang maririkit
Sa pag usbong ng panitikan sa isipan ay iuukit
Kulturang nilikha kailanma’y hindi mawawaglit.
Tunay na kamangha-mangha mga kulturang hinubog ng wika
Ipagmamalaki pagkakakilanlan nitong ating bansa,
Saan man pumaroon, dala’y mga katutubong pamana
Hindi itatatwa, tunay ngang wika ang salamin ng lahi at kultura.