Return to site

WIKA AT KULTURA: ISANG DIWA, ISANG HIMIG

ni: ENGR. OLIVER S. DIMAILIG

· Volume V Issue I

Mahalin ang wika, ang salita'y buhay,

Unawain ang nagpapahayag, alamin ang tunay.

Tumingin sa itaas, sariwain ang yaman at kay gandang kulay

Katuwang ang wikang pinagtibay.

 

Huwag hamakin ang kinamulatan, wika ay igalang,

Pag-aralan, unawain, kasaysayan ay isaalang-alang,

Iligtas ang kultura, ituro sa mga isisilang,

Wika’y isalin, ito’y isang karangalan.

 

Pagmamahal sa wika, sa puso’y totoo,

Sa mga salitang isusulat, may magandang kwento,

Nagbibigay karangalan sa bawat bigkas ng tao,

Pagpapahalaga'y sana ay mamayaning tunay sa puso mo.

 

Pag-ibig sa wika at kulturang dalisay,

Ibang wika ma’y pahintulutan at maging parte ng buhay,

Huwag balewalain, Wikang Filipino ang siyang tunay,

Ating wika’y ginto, huwag sayangin sa ating mga kamay.

 

Wika ay kapatid, sa pamilya ay kasama,

Ito’y biyaya at kahali-halina,

Tulad ng lupang sinilangan, masarap sa alaala,

Kailanma’y hindi mapapawi, ito’y sadyang atin na.