Sa bawat salitang ating binibigkas,
Kultura’y sumasalamin, malinaw na bakas,
Tulad ng alon sa dagat na walang wakas,
Wika’y taglay ang ating kwento’t lakas.
Mga tradisyon sa wika’y nakaukit,
Bawat kasabihan sa puso’y nakasabit,
Mula sa mga ninuno, kultura’y isinalin,
Gamit ang wika, ito’y sinasalamin.
Katutubong pantig, sa wika’y naririnig,
Pambansang pagkakakilanlan, sa dilay pumipintig.
Sigaw ng mga titik, diyalektong iba’t-ibang himig;
Bakas ang mayamang kultura at kasaysayan tumatatak sa puso’t isip.
Kaya’t ating pakatatandaan, wika ay pangalagaan
Sapagkat puso ng kultura’y ito ang laman;
Salamin ng buhay istorya at pagkakakilanlan;
Kultura ko, wika ko, Filipino Ako!