Return to site

WEBINAR

WENNIE C. GONZALES, Ed.D.

· Volume I Issue IV

Walang humpay na pag-aaral hatid ng Enhanced Community Quarantine COVID-19 sa mga guro, mag-aaral at maging mga magulang sa tahanan basta’t may internet, laptop, tablet at gayundin cellphone na naging bahagi na ng buhay ng bawat mamamayan.

Eksaktong oras iyong mapapanood mga karunungang hatid ng mga eksperto sa pag-aaral upang maibahagi sa lahat ng may interest at kakayahan habang nananatili sa loob ng tahanan.

Bagong mukha ng lipunan, Ay ano na nga bang tunay! Bigkis ng pagmamahal sa tahanan tuwina ay mapapaigting lalo na pagsapit ng orasyon araw-araw.

Isang iglap nakita ng lahat ang positibong mensahe ng Panginoon sa bawat umagang paggising na dapat pasalamatan. Kaalinsabay ay pag-iisip ng mga gawain sa buong maghapon na kailangang maging produktibo ka naman.

Nagwiwika mga webinar na turingan, sa bawat sandali maging masipag ka lamang. Hindi magugutom at magkukulang kung pati ang pasong walang laman mga plastic sa paligid gagawing kapakipakinabang.

Ayos ang buhay ika nga nila’y malalabanan. Kaunting tiis pa at COVID-19 mapagtatagumpayan. Simpleng pagpapahalaga sa bawat biyaya ng Inang Kalikasan, hatid ng pagmumulat sa dating nakagisngan.

Aawit ng papuri kahit sa tahanan naging atensyon ng bawat pamilyang Pilipino na binigkis ng pananampalataya magpakailan pa man, kahit walang lipstic at pulbo man lamang basta sama-samang miyembro nakikiisa at may paggalang. Panunumbalik ng mga pangako nananariwa sa misa ng pagmamahal.

Respeto kailan man bukod tanging gabay sa mga taong nangunguna upang maipadaloy ang tulong na kailangan. Mga opisyales ng gobyerno lalo’t higit ang mga frontliners ng bansa - bayaning turingan dahil sa kanilang serbisyo at kagitingan. Rasyon ng ayuda at pag-iikot sa bawat pamayanan, istratehiyang sa social distancing lubhang kailangan. Pagsusuot ng mask at tuwinang paghuhugas ng kamay maipabatid lamang, sinusuong ang init ng panahong sa balat pa lamang ay anong hapding nararanasan. Ang lahat ng ito ay hindi alintana maiwasan lamang ang paglabas ng tahanan upang COVID-19 maiwasan. Walang makakapantay sa mga webinar na hatid ng Panginoon sa atin. Anumang pagsubok ay malalampasan sa pagpapairal ng disiplina at pakikipatulungan. Pagyakap sa “New Normal” sitwasyong ating kinakaharap, webinar series ng karunungan ang nagpapaalala ng gabay upang sa pandemic na ito utay-utay nating bagtasin ang hamon ng buhay. Tiwala at pananalig sa Poong lumikha ang susi ng kaligtasan ng buong sangkatauhan.