I
Sa Surigao, 'waya-waya’t jaon-jaon,
Salitang nagpakilala't nagbigkis ng nayon,
Simbolo ng pagkakaisa sa kulturang kakaiba,
Sa bawat bigkas, ngiting labi ay dala.
II
Waya-waya’t jaon-jaon, laging may ideya,
Waya-waya kahuluga’y wala-wala,
Habang jaon-jaon kahuluga’y mayroon,
Usapan, tawanan ay alaala ng kahapon.
III
Iyan ang wikang Surigawnon, sa bawat puso'y nakaukit,
Salamin sa damdamin, kulturang di maiwaglit,
Kuwentuha’y pahiwatig sa lahing may malasakit,
Tunay na yaman, pagmamahala’y walang kapalit.
IV
Nitong mga salitang puno ng kahulugan,
Waya-waya’t jaon-jaon, pamanang di matatawaran,
Mga ekspresyon may kulturang bakas,
Surigaonon sa puso't diwa, manatiling wagas.