Return to site

WATAWAT 

LAILA C. NAMORO

· Volume IV Issue I

“Lito, maaari bang tumayo ka nang tuwid at ilagay ang iyong kanang kamay sa kaliwang dibdib? Ikaw rin, mapapagalitan na naman tayo ni Gng.Taduran! Alam mo namang magsisimula na ang pag-awit ng Lupang Hinirang!” sigaw ni Lina kay Lito.

” Aba! aba, sino ka namang nagmamagaling? Masaya ako sa ginagawa ko! Huwag mo nga akong pakialaman!” sagot ni Lito kay Lina.

Sa kabilang dako naman nag-iismiran sina Totoy Pula, Neneng Puti, Mariang Dilaw at Juan Asul habang naghihintay na itaas sila ng dalawang mag-aaral sa Flagpole.

” Sige nga Neneng Puti padamihan tayo ng mga batang nakatitig sa atin?” mayabang na sabi ni Totoy pula.”

“Ha, Ha! sigurado lahat sila nakatitig sa akin dahil mas matingkad ako sa inyong lahat!” dagdag ni Totoy Pula.”

“Bakit sigurado ka ba na nakatitig sila sayo? Hindi mo ba alam na ayaw na ayaw nila sa kulay mo dahil ikaw ay simbolo ng digmaan noong panahon ng mga kastila! Di mo ba alam ýon?” paliwanag ni Neneng Puti.

“Bakit sigurado ka ban a nakatitig sila sayo? Ahindi mo ba alam na ayaw na ayaw nila sa kulay mo dahil ikaw ang simbolo ng digmaan noong panahon ng mga kastila! Di mob a alam ‘yon?” paliwanag ni Neneg Puti.

“Bakit, sa palagay mo ba ikaw ang paborito nila, eh ang boring ng kulay mo walang kabuhay-buhay. Sigurado wala na namang papansin sayo!” sagot ni Totoy pula.

“Hindi ah! Hindi mo ba napansin na mas mataas si Juan Asul kaysa sa’ýo? Ikaw nasa baba ka lang kasi nga ayaw nila sa kulay mo!” pikon na sagot ni Neneng Puti.

” Tumigil na nga kayong dalawa sa pagtatalo wala namang kabuluhan ang pinag-uusapan nýo!” sabad ni Mariang Dilaw.” Tingnan n’yo si Juan Asul tahimik lang” dagdag ni Mariang Dilaw.

Samantala, abala pa rin si Lina sa pagsaway sa kanyang mga kaklase habang inaawit nila ang Lupang Hinirang. Patuloy pa rin sa pangungulit si Lito sa kanyang mga kaklase habang ang lahat ay nakatinging umaawit sa Watawat ng Filipinas.

Walang kamalay- malay ang dalawa. Papalapit na si Gng. Taduran. Tahimik na tinitigan si Lito mata sa mata.

Napayuko si Lito at hiyang hiya siya kay Gng. Taduran.

Natapos na ang pag-awit.

Tinawag ni Gng Aida si Lito at Lina.

Nakayuko pa rin si Lito.

“Älam nýo ba mga bata, hindi maganda ang inasal ninyo kanina, habang umaawit ng Lupang Hinirang” sabi ni Gng. Taduran. Ano ano ang dapat ninyong ikilos sa tuwing may Flag Ceremony?” tanong ni Gng. Taduran.

“Umawit po nang maayos”, sagot ni Lina

Tumayo nang tuwid at iwasan ang anmang ingay””, dagdag naman ni Lito.

Oh! magaling! Bakit hindi ninyo ito ginawa kanaina? kailangang igalang ang wawatawat sa lahat ng pagkakataon. Bakit kailangan igalang ang watawat?

Umiling lang si Lito habang si Lina ay tahimik lang.

“Sapagkat ang simbolo ng ating Watawat ay Kalayaan!” sabi ni Gng. Taduran.

“Kalayaan? Bakit po si Lina sinasaway ako eh! masaya po ako sa ginagawa ko. Di ba Kalayaan ýon Gng Aida?” depensang sagot ni Lito.

“Ang kalayaan ay hindi nangangahulugan na malaya tayong gawin anuman ang ating naisin, bagkus ito ay may kalakip na responsibilidad bilang mamamayan. Dapat rin tayong maging masipag at produktibong mamamayan upang tuluyang magapi ang kahirapan. Kapag magkagayon, unti-unting mawawakasan ang kahirapan, kuropsyon ng wastong edukasyon at korapsyon sa edukasyon.” paliwanag ni Gng. Taduran.

“Bakit po ba kailangang igalang natin watawat Gng. Aida?” tanong ni Lina.

“Magandang tanong iyan Lina”. Kailangang igalang ang watawat sapagkat ito ang simbolo ng pagpapakasakit ng ating mga ninuno makamtan lang ang ating Kalayaan!” dagdag ni Gng Aida.

“Bakit iba-iba ang kulay ng watawat Gng. Aida?” muling tanong ni Lito.

“Iba-iba ang ipinahihiwatig ng kulay sa ating watawat. Ang pula ay simbolo ng katapangan dahil maraming dugo ang ibinuwis sa pakikipaglaban sa mga Espanyol makamtan lang ang inaasam na Kalayaan! Ang kulay asul naman ay kapayapaan mataas ito kaysa sa pula. Ibig sabihin, kailangang manaig sa ating bansa ang kapayapaan at katahimikan. Wala nang digmaan. Ang kulay dilaw ay simbolo naman ng mga lalawigan kung saan naganap ang digmaan samantalang ang kulay puti ay simbolo ng kalinisan.” dagdag na paliwanag ni Gng. Aida.

“Kaya po pala ipinagdiriwang natin ang araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo, dahil ganun kahirap ang pinagdaanan ng ating mga ninuno laban sa mananakop!” sagot ni Lina

“Öo, Lina.Subalit para sa inyong kaalaman unang ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-4 ng Hulyo upang alalahanin ang araw ng pagkilala ng Estados Unidos sa Kalayaan noong 1946.Binago lang ito noong Mayo 12, 1962 sa pamamagitan ng ProklamasyonBlg.28, s. 1962 ni Pangulong Diosdado Macapagal na naghahayag sa Hunyo 12 bilang araw ng kalayaaan.” paliwanag ni Gng Aida.

“Ät alam ba ninyo ang sigaw sa Pugadlawin ang nagpasimula sa Himagsikang Pilipino na lihim na pinamunuan ni Andres Bonifacio.Pinunit ni Bonifacio,sa harap ng maraming katipunero, ang sedula bilang tanda ng paglaban at paglaya mula sa makapangyarihang mananakop na Espanyol.Dalawang pangkat ang lihim na Katipunan ang Magdiwang at Magdalo at sa pamamagitan ng Kumbensyon nahalal bilang pangulo si Aginaldo.Samantalang ang dating Supremo ng Katipunan ay naging tagapangasiwa na lamang.Mababa na nga ang kaniyang puwesto.Tinutulan pa ito ni David Tirona, dahil si Bonifacio ay hindi isang abogado. Dahil dito, nainsulto si Bonifacio at ipina walang-bisa niya ang Kumbensyon sa Tejeros.Tiningnan ito bilang paghihimagsik kaya hinatulan si Bonifacio ng kamatayan sa Marigondon Cavite.

Ipinagpatuloy ni Aguinaldo ang paghihimagsik.Nagkaroon ng kasunduan pangkapayapaan sa Biak-na-bato at nilagdaan at sinang-ayunan ang pagdestiyero sa mga pinuno ng himagsikan sa Hongkong at pagsuko ng kanilang sandata kapalit ng reporma,proteksyong pananalapi, at mga pardon.Itinatag muli ni Aginaldo at ipinagpatuloy ang himagsikan at tinulungan tayo ng mga Amerikano na pinagsanib puwersa bilang paghihimagsik laban sa manakop at simula noon sumigasig ang paglaban sa mga Espanyol at dito na nagpahayag ng Kalayaan ng Pilipinas!”dagdag na paliwanag ni Gng. Taduran.

“Ganun pala Gng. Aida simula ngayon aawitin ko na nang maayos ang Lupang hinirang at igagalang ko ang pagtaas ng watawat habang ito ay inaawit!” sabi ni Lito.

Sa kabilang dako narinig ng apat na kulay ang paliwanag ni Gng. Aida.

“O, kitam! Narinig ninyo ang paliwanag ni Gng. Aida? kaya lahat tayo mahalaga kaya huwag na kayong magtalo Totoy Pula at Neneng Puti!” hikayat na sabi ni Juan Asul.

“Mahalaga ito sapagkat ito ang sukatan upang malaman kung tayo ay responsableng tao, nagkakaroon ng malayang pag-iisip at pagdedesisyon ang tao na masasabing isa siyang mabuting mamamayan” dagdag ni Mariang Dilaw.

“Oo nga naman, lahat tayo mahalaga, ipagpaumanhin ang aking tinuran Totoy Pula!” samo ni Neneng Puti.

“Walang anuman Neneng Puti simula ngayon hindi na tayo magtatalo kung sino ang paboritong kulay ng mga bata!” sagot ni Totoy Pula.

Simula noon naging matalik na magkaibigan si Totoy Pula, Neneng Puti, at Mariang Dilaw.