Dalawang taon na pandemya buhay ng tao nagbago na,
Maghapong tulog sa umaga gising sa gabi sa hangaring makapaglakwatsa,
Bawal na magtambay sa Mall maging sa madilim na iskinita
Ang estudyanteng si Renan tuluyan nang nawalan ng taga suporta!
Wanpepti lang bulong niya tiyak makakain na siya,
Lumapit sa customer na may alkohol asin maskara.
Di siya pinansin sa suot niyang mura
Akala mo kasi ang bahay niya’y sa kalsada.
Sa unibersidad ng lansangan ang marka niya’y nubenta
Kasalamuha ang mga taong halang ang kaluluwa sa bangketa
Nang Pandemic sumalanta buhay nila’y walang benta
Tubig ang gamot tuwing kumakalam ang sikmura…
Minsan napadaan siya sa pintuan ng dambana,
Atubiling pumasok dahil hindi pa raw niya kaya.
Ngunit, ngayon doon na siya nakatira...,
Gamit ang lakas sa paghambalos ng kampana!