Return to site

WALANG SUKUAN! 

AILEEN E. PEREZ

· Volume IV Issue I

Bagyo man o pandemya ang ating kaharapin

Paghahawak kamay magiging sandata natin

Sapagka’t sa puso’t isipan di alintana

Paghihirap tatahakin sa tuwi-tuwina!

 

Halina’t palakasin tiwala sa Maykapal

Hamon sa buhay harapin, walang labing katal

Huwag hayaang pangamba’t pag-aalinlangan

Pumasok sa buhay, sa gitna ng kahinaan

 

Tayo ay magkaisa sa ganitong panahon

Tayo’y makiayon, makisama sa pag-ahon

Mangarap tayo’t bumangon sa muling pagsilay

Nang Liwanag ng araw na nagbibigay buhay

 

Habang sinasalamin ng tapang ang mga mata

Lumilikha ang tao ng puwang sa bawat isa

Sapat na pagtitiwala ay lagging isipin

Walang sukuan, tuwina ating pagtibayin.

 

Halina’t samahan bansa nating bumabangon

Kahirapan di hadlang sa nagpilit umahon

Binalikat lahat ng pagsubok at karimlan

Makamit lang ang kaligtasan at kaayusan.