Return to site

“WALANG MAKATUTUMA” 

MARIA MAGDALENA M. ATTABAN 

· Volume IV Issue I

Marami nang bansa ang nagsisitumba

Dulot ng karahasan at politika

Pandemyang tumaob sa ekonomiya

Digmaang nagpamahal ng gasoline.

 

Pilipinas bansang aking sinilangan

Ikaw ay kasali sa kapighatian

Pero lumalaban sa hamon ng buhay

Ang lakas mong taglay ay walang kapantay.

 

Bansang Pilipinas ito ay matatag

Nakatayo sa gitna ng mga bagabag

Bagyo at pandemya’y hindi patitinag

Panginoong Diyos ang sandigang ganap.

 

Noong pandemya’y dumating sa ating bayan

Ang mga mamamayan ay nagtutulungan

Buong pusong tumulong sa kababayan

Para mabawasan ang kapighatian.

 

Mga kawani ng gobyerno’y nagtutulungan

Para maibsan ang krisis nitong bayan

Krisis sa ekonomiya’t edukasyon

Pilipino’y hindi patitinag doon.

 

Bansang Pilipinas ay punong Akasya.

Matatag kahit sa gitna ng sakuna.

Pagkat ang mga tao dito ay sagana.

Hindi nagkakait ng tulong sa madla.

 

Pilipino tayo, di tayo tutumba.

Sama-sama, tulong tulong na bumangon

Para sa kinabukasan ng mga bata

Pangarap ating abutin sa tuwina.

 

Manalangin at magpasalamat sa Diyos.

Sa pagtulong Niya sa atin ng lubos

Pagpalain nawa nitong bansang irog

Para ang mamamayan ay makaraos.