"MAHAL"
"May puso rin naman akong kahit malapit na malapit nang sumuko, lalaban at lalaban parin hanggang sa dulo dahil “MAHAL”, ito ang aking pinakapangako para sayo".
Ito ang mga katagang binitawan ko sa "aking" unang kwento.
Mali.
Mali dahil tama lamang siguro na isama na kita
dahil naging bahagi ka naman talaga ng puso at isip ko noong panahong isulat ko ito.
Kaya oo, tama nga, "ating" kwento...
Ang "ating" kwento na hindi man lang nagkaroon ng umpisa pero heto't andito na sa dulo.
Doon sa "ating" unang kwento kung saan ako'y baliw na baliw pa sa iyo.
Doon sa "ating" unang kwento kung saan ako nangako sa iyo.
Doon sa unang kwento kung saan pati si kupido ay sinukuan na tayo…
Nakakalungkot ano?
Hindi ko nga alam bakit nagkaganito.
Ang dating pinaniniwalaan kong "ikaw" at "ako"
na pwede hanggang dulo ay tila nawala nalang---biglang naglaho. Naglaho na kagaya ng isang pangako na lagi na lamang ba talagang napapako?
Nag-aasume nga lang ba talaga ako?
O talagang feeling lang talaga masyado?
Akala ko kase, seryoso ka noong sinabi mong ‘mahal maghihintay ako’.
Kaya ayun, naniwala naman siguro ako at ito (puso).
Ngunit may tanong lang ako para sa iyo.
Hinihintay o mahihintay mo pa nga ba ako?
O naghahanap ka na din ng bago mo?
Kase sa palagay ko, nagsawa ka na rin sa kakahintay sa sagot ko.
Sa sagot ko na matagal ng “OO” pero hindi na nahintay ng isang katulad mo.
Hindi na nahintay ng isang katulad mo kase ayun, meron ka na daw "bago". (Gag*)
Alam mo, ang daya mo.
Ang daya mo dahil sa mga kilos mo akala ko handa kang maghintay hanggang sa dulo.
Hanggang sa maging handa na ako
Pero bakit noong nahuhulog na ako, bigla ka namang sumuko?
Bigla ka nalang nanlamig at tuluyan na ngang naglaho.
Kaya heto ako, naiwan sa mga alaala at pangako mong akala ko ay totoo.
"Mahal"
Alam mo bang sa una "nating" kwento ay nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ang salitang ito dahil gusto ko ay maging espesyal ito sayo at tumagos 'to sa iyong puso?
Pero ganun talaga siguro, kahit na anong pag-aalaga mo sa isang tao,
kapag ayaw na sayo o sadyang hindi lang talaga siya tama para sayo,
Iiwan at Iiwan ka parin neto.
"Mahal"
Hindi na ako magdadalawang isip pa sa pagsabi ng salitang eto dahil alam ko sa sarili ko na mahal naman talaga kita at hindi ko na iyon mababago at maitatago.
Pero, alam mo ba na meron akong napagtanto?
Napagtanto ko na ang sarap-sarap mong mahalin ngunit hindi ko na iyon gagawin.
Hindi ko na iyon gagawin dahil may mga bagay talaga siguro sa mundo, na kahit anong pilit mong maging kayo at maging sayo ay sadyang hindi pwedeng mapasayo.
Ang daya naman ng mundo! Minsan/bihira nalang nga ako magkagusto, doon pa sa hindi ko makuha ng buo...
Pero isa lang ang tinitiyak ko sayo Malapit na ako, Oo, tama, malapit na mahal ko.
Malapit na...
Malapit ko nang sabihing ayoko na
Ayoko na hindi dahil na-unlove na kita.
Kundi dahil ang sakit-sakit na.
At ayoko nang ipilit pa ang mga bagay na imposible naman talaga.
Kaya mahal…
Mahal na mahal kita.
pero panahon na siguro para sabihing
TAMA NA.