“Anak, tingnan mo ang ating dinadaanan.” ang nakangiting wika ng ina sa anak na binata habang nagmamaneho.
“Napakaganda po ng paligid, mukhang napakayaman ng bayang ito.” Tumingin ang binata sa ina habang itinuturo ang malalaking gusali na itinayo sa gitna ng bundok sabay wika, “parang kaysarap manirahan dito ma, sobrang lamig ng klima”.
“Tama ka. At tingnan mo nang maigi ang buong kalawakan anak. Pagmasdan mo ang buong kapaligiran hanggang sa kung saan ang marating ng mga mata mo – “
Tahimik na napalunok ang anak,
“Nais kong manirahan dito sa Tagaytay pagdating ng panahon.”
At iniabot ng ina ang telepono habang dahan dahang ipinaparada ang minamanehong sasakyan.
Bumaba ka anak, kuhanan mo ng larawan ang mga bagay na nais mong magkaroon ka.
Ang larawang iyan ang magsisilbing inspirasyon mo upang patuloy kang mag-aral at magsikap na abutin ang hanggahanan ng iyong mga pangarap.