Return to site

TATAK PILIPINO, SUSI SA TAGUMPAY 

REYLEN A. MADERAZO 

· Volume IV Issue I

Sa araw araw na pag-inog nitong ating buhay

Mga pagsubok ay nakakapag lupaypay

Iba't-ibang hamon, kalamidad at pandemya

Tunay na kinakaharap ng bansang sinisinta

 

Dahil sa pagsubok, Inang Bayan ay nalugmok

Pagiging matatag ni Juan ay talagang nasubok

Anumang balakid at paghihirap hindi natinag

Sa Diyos ay nanalig kaya nanatiling metatag

 

Tatak ng Pilipino ay ating mahalin at yakapin

Pagkakaisa natin ay laging pag-ibayuhin

Para kahit anong problemang haharapin

Ito ay makakaya natin lagpasan at lutasin

 

Bagyo man o pandemya, hindi tayo tutumba

Magtiwala lang sa Poong Maykapal tuwina

Mahalagang isabuhay ang pagka Pilipino

Ituloy lang ang laban para sa iyo at kapwa mo

 

Makakayang lubos anumang unos

Kahit na ito pa ay kalunos-lunos

Pagkat tayo’y magkakaugnay tatag ay taglay

Itong pusong Pilipino susi sa tagumpay.