Return to site

TAPAK NA YAPAK

ni: JOHN ROBERT TEVES BANQUIL JR.

Sa matayog na sinta,

itong siglong-bibig na minana,

tulad ng mayamang mina,

hitik sa bungang pagdurusa.

 

Nilabang punlang saksi ang sinag,

mga kalyong bunga’y tatag.

Habang sa paglaki ay proseso,

unawang nagtataguyod ng asenso.

 

Tulad ng butil na inararo,

wika rin ay pursigido.

Tulad ng bukang-liwayway,

pag-usbong ma’y walang humpay.

 

Pagpapagal man’ ay malasap,

pagsisikap ay lalaganap.

Gamit ang wikang Filipinong tanda,

bibig ng kabataan ihahanda.

 

Sisikaping tulad ng butil na naipunla,

yaong sa kabataan din ipupunla,

tulad ng minang tinusta,

Tatayo, Titindig, Igugunita.

 

Tulad ng kalyong sanhi ng tatag,

Hahakbang, Tutugon, Ipapanatag.

Sa paglaon ay masalin,

sa susunod na kabataang tinagubilin.