Return to site

TAGUMPAY SA NEW NORMAL 

MARISTEL T. LAGMAY  

· Volume IV Issue I

Taong 2019 ng Disyembre 31, naitala ang kaso ng pneumonia na hindi pa kilala sa Wuhan China

Napagalaman itong outbreak ay dulot ng isang uri ng di pa kilalang coronavirus

Karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang, at sa mga tao noon ay hindi pa nakita

Enero 19 taong 2020, kinumpirma sa Pilipinas ang pagkalat nitong COVID-19 virus

 

Maraming natakot, hindi dahil sa virus kundi sa dulot nitong kawalang hanapbuhay

Isang malaking dagok sa buhay lalo na sa mga pamilyang may matandang nakaratay

Pero etong si Juan ay tunay na masipag at maabiladad sa kabila ng hirap

Pagtatahi ng facemask at paggawa ng faceshield ay agad hinarap

 

Mahirap man sa una at talagang tunay na nakakaalarma, di sanay kumbaga

Pagsusuot ng facemask at faceshield, pamalagiang paghuhugas ng kamay ay ipinatupad na

Paglalagay ng plastic barrier sa mg sasakyan, maging sa mga opisina ay agad ding isinagawa

Mga paalala ng pag-iingat sa kalusugan ay talagang makikita kahit saang banda

 

Maging sa mga establisimento, pampublikong lugar, at higit sa mga paaralan

Safety protocols at lahat ng may kaugnayan sa kalusugan ay talagang hinigpitan

Subalit sa pagtutulungan ng lahat lalo’t higit nang kooperasyon ng mga kinauukulan

Distance learning na paraan ng pag-aaral ay matagumpay na naisakatuparan

 

Pagkatapos ng masusing pag-aaral, mga tao ay nakinabang sa libreng COVID-19 bakuna

Inunang turukan ang mga frontliners, di naglaon pati ang mga kabataan at mumunting bata

Tunay na nakakahanga, mga gumanap na fronliners at nagsilbi sa oras ng pandemya

Mga kawani ng kalusugan, miyembro ng mga LGUs at iba pang volunteers ay tumalima

 

Kung iyong mapapansin, etong bansa natin ay nanatiling maunlad at progresibo

Pagkat ang mga mamayang Pilipino, ay ipinagkatiwala sa Diyos ang bawat pagkabigo

Naging matatag kaya madaling nakaangkop sa new normal na gawi ng pamumuhay

Kaya Sulong Pilipinas, lahat ay magpatuloy, ituloy ang buhay at harapin ang tagumpay.