I
Surigao, na aking kinalalakihan,
Lupain ng mga tanawin na siyang yaman,
Mayaman sa kultura at kasaysayan,
Dito namulat nang may pagmamahalan.
II
Sa bawat sulok ng bayan ay may kagandahan,
Surfing capital umano ang mga dalampasigan,
Pulong kay rikit, buhanging puti’y nabihisan,
Aba! ang Siargao, sa turista’y kinagigiliwan.
III
Bayang Surigao, maradjaw karadjaw!
Hitik sa ginto, nikel, at ibang mga mineral,
Nariyan ang kompanyang TMC, VSLC, at THPAL,
Nag-aaruga sa Surigaonon ng trabahong dangal.
IV
Tunay nga na mayaman ang lugar na aking kinalalakihan,
Pribilehiyo sa pagkatuto, sapul nito lalo,
Tulong pampinansyal, librehang pag-aaral,
Masasayang alaala, kabataa’y nadarama.
V
Surigao, tunay na maradjaw karadjaw!
Sa lahat ng buhay, handog ay tanglaw,
Bayang walang katulad, heto’y aking pasalamat,
Mananatili ka sa amin, mahalaga at tapat.