Return to site

SUPER POWERS!

MA. THERESA C. RAMOS

· Volume II Issue III

Super powers! Wow! Talaga?

Minsan naiisip ko siguro may super powers talaga sila. Sina Mam Cruz at si Nanay.

Bakit? Iba kasi talaga sina Mam at si Nanay.

Iisa-isahin ko sa inyo, bakit may super powers sila.

Sa bahay, kahit wala na akong tatay, keribels ni Nanay.

Lahat prepared at organized.

Di napapagod makinig, umunawa at magpaalala.

Raketera din si Nanay, lahat nang legal pinapasok para kumita siya at maibigay ang pangangailangan naming magkakapatid. Kahit di kami mayaman, mayaman naman kami sa pagmamahal. Yan si Nanay, Nanay na Tatay pa, saan ka pa?

Sa school naman si Mam Cruz, palaging ready at prepared. Poised, di natataranta, kahit may kaganapan, kalmado lang.

Ready palagi si Mam magturo sa amin. Maraming ibat-ibang activities si Mam araw-araw. High-tech si Mam, may LCD, may pointer pa.

Kahit makulit at maingay kami, keri ni Mam. Lahat daw gagawin niya para maging successful daw kami tulad niya.

Kaya masasabi ko talaga na may super power sila. Naniniwala ka na? Ang galing talaga no.

Iba man ako sa iba dahil sa anyo ko na parang Ita, never kong naramdaman na iba ako sa kanila. Kahit madalas akong tinutukso ng ibang bata, taga push ko sina Mam Cruz at si Nanay, tagapagtanggol kumbaga.

Madalas parang ayoko na pumasok, pero si Nanay, di napagod asikasuhin, ihatid at sunduin ako sa school.

Si Mam naman tagapagtanggol ko palagi sa mga bully sa school.

Sabi pa nga niya sa akin, iba man ang anyo ko, mabuti naman akong bata, mas maganda pa daw ako sa ibang bata.

Lahat ng activities na kaya ko pinapasali ako ni Mam.

Ginabayan niya ako para malaman at maipakita ko ang mga kakayahan ko sa iba.

Mahirap pero kinaya ko lahat, kasi nandyan sina Nanay at si Mam Cruz.

Ngayon, successful na din ako tulad ni Mam. Teacher na din ako. Natutulungan ko na ang mga kapatid ko at si Nanay.

Lahat ng naranasan ko dati, yun ang bumuo sa kung ano ako ngayon. Never kong kakalimutan ang mga nakatulong at gumabay sa akin.

Ang dalawang may super powers na mga nanay.

Si Nanay at si Mam Cruz.

Ang mga super Mom ng buhay ko.