Return to site

SUPER MAMA!

MA. THERESA C. RAMOS

· Volume II Issue III

Nang mawala si Papa, nagbago ang lahat. Dati lima kami na umaalis, ngayon apat na lang. Dati maraming biruan, ngayon masyado nang seryoso. Ano ba yan? Di na kami maka move-on. Limang taon na ang nakakaraan. Naalala ko pa dati, nang nagkasakit si Papa. Madalas wala si Mama sa bahay, kasi nasa ospital si Papa. Kami-kami lang sa bahay. Tumawag si Mama, kailangan ng mga donor ng dugo. Paano kaya yun, saan kami kukuha ng dugo? Kulang pa ang pera namin. Kawawa naman si Papa. Bakit kaya ganun? Mabait naman si Papa. Bakit maysakit siya? Di ko alam kung ano ang iisipin ko. Sana makaya pa ni Papa.

Makalipas ng dalawang linggo, nakauwi na si Papa. Payat na siya. Di na tulad ng dati, hindi na kami naglalaro. Sabi niya magpapahinga muna siya. Panay na lang pahinga si Papa. Sabi pa niya, sige maglaro ka na anak, dito na lang ako. Labas tayo Papa, pasyal tayo. Ikaw na lang anak. Si Papa nakakainis na. Lagi na lang sa bahay. Di na nagsawa sa bahay. Kelan kaya kami maglalaro ulit? Pag malakas na ako sabi niya, lalabas tayo anak. Sana lumakas ka pa Papa. Oo anak, pray ka kay God ha.

Isang gabi, sabi ko kay God. God wag mo muna kunin si Papa ko. Mag- birthday pa ako. Sige na po please. Mag behave na po ako.

Kinabukasan, natakot talaga ako, hirap na huminga si Papa. Naku! Naku! si Papa ko. Mama umuwi ka na, si Papa. Di ko na natapos sasabihin ko. Nandyan na yung ambulansiya Papa. Punta na tayo sa ospital, sige na Papa. Di na siya nagsasalita. Di na humihinga.

Wala na si Papa. Kami kami na lang. Paano na?

Ngayon alalaa na lang si Papa. Hirap talaga kami, nagbago ang lahat. Marami ang nagbago. Pati si Mama, sina ate iba na. Ako na lang ang lalaki sa amin. Dati dalawa kami, ngayon ako na lang. Paano na? Paano ko masasabi ke mama na gusto ko ung NARUTO na movie at mga gamit? Na may crush ako? Na magpapatuli na ako? Ano kaya ang sasabihin ko? Kanino kaya ako magkukuwento?

Di bale nandyan naman si Mama. Alam ko alam ni Mama ang gusto ko. Maiinitindihan ako ni Mama. Love ako nun. Only boy ako e. Kahit matagal na wala si Papa, di ko naman naramdaman na wala si Papa. Nandyan palagi si Mama. Nagtatanong, ano gusto mo anak? Anong problema? Lahat na yata ng video at games ni NARUTO, alam ko na. Si Mama, very supportive. Lahat ng panahon, nandyan palagi. Pag may sakit ako nakasalo palagi. Natataranta pa nga palagi. OA na nga minsan, pero ok lang. Buti na lang nandyan si Mama. Minsan pag may sakit si Mama, natatakot ako. BAKIT? Baka iwan niya din ako. Buti na lang malakas si Mama. Super Mama talaga. Nanay na tatay pa in all. KERIBELS ni Mama ang lahat.

Kaya labs na labs ko si mama, sana palagi kong kasama si Mama. Kahit gabi na siya umuuwi, alam ko palagi niya akong iniisip. Salamat Lord, nandyan si Mama. Huwag mo muna siya kunin ha.

Love you Mama. MY SUPER MOM!!