Return to site

SUMISIGAY 

GERALD F. PAGODPOD

· Volume IV Issue I

Lubid sa bewang ang nakatali

Bigat ng aming hinihila ay hindi mawari

Sa dami ng huli kami ay nagbabakasakali

“Sumisigay” kami, kami na nagpapalaot lagi

 

Bagyo ay aming susuongin

Hampas ng alon aming haharapin

Upang mga mahal namin ay makapiling

At hahagkan dala-dala mga isdang ginto ang aming turing

 

Minsan meron, kadalasan ay kaunti

Ngunit hindi susuko at magsisikap palagi

Babangain at papalaot sa kawalan

Maibigay lamang sa mga anak ko magandang kinabukasan

 

Sa kalupaan ay wala kaming pag-aari

Sa karagatan ay kami ang hari

Ngunit kasama kami sa mga alipin

Alipin ng mga salitang baka meron, baka sakali

 

Kaya kahit anong lakas ng bagyo

Susuongin pa kahit pandemya

Sumisigay ako na may karangalan sa trabaho

Sumisigay akong laging papalaot at magpapakatao