Return to site

SULAT

ni: VICENTE B. OLAVARIO, EdD.

· Volume V Issue I

Nang sumulat ako’y sa kinauukulan...,

Wari ko’y hindi mo ako naiintindihan.

Buong puso naman akong nagpakumbaba.

Sa pagtatanong ko’y iyong minasama na aking ikinabigla.

 

Kapwa nating hangad ang kapakanan ng madla...,

Kaya nga tayo nailuklok sa posisyong hindi hangad

Pinagdarasal ko lang maging maayos ang lahat...,

Na sana’y tanglawan tayo ng liwanag...

 

Matatag agenda ng gobyerno! Isinigaw mo...,

Yon naman ang gusto ko sa departamento

sa lebel mo o sa lebel ko...,

lahat yan ay palong-palo na ipina- panalo!

 

Sigaw ko’y unity! saiyo naman equity...,

Alam naman natin ang diversity.

Sa wikang Filipino dapat maging happy...,

Dahil sa pamumuno taglay ang harmony in diversity!