Return to site

SOCORRO, AGILA NG KABAYANIHAN

ni: ELIZA E. BAYANG

I

Simulan ang paglalakbay sa kanayunan,

Mula silangan hanggang kanluran,

Pasayahin ang sarili't masilayan,

Mga tanawin at pagkaing yaman ng kalikasan.

 

II

Nariyan di’ng kulturang magandang pagmasdan,

Kabayanihan nila’y ating masaksihan,

Socorro’y kabuhayan nasa kabundukan,

Si Haring Agila ang namumunuan.

 

III

Lugar na di magawang kalimutan,

Bundok at dagat ito’y napaligiran,

Inihaw, kilawin, dito matitikman,

Pagkaing dagat alay ng kalikasan.

 

IV

Sa tubig mala-kristal, paligong may ngiti,

Resort ng Nakayawit, sa saya’y unang pili,

Castle ng Sohoton, kweba'y lihim ay Eden,

Maligayang pagdating sa isla ng Doña Helen.

 

V

Heto ring batong animo’y bolang lumulutang,

Sa isla ng Hikdop, King's Throne na kumikislap,

Paglalakbay ng Socorro, binuo’y pangarap

Iyong kapighatian halinhan may sarap.