Return to site

SINTANG BASAYSAY

ni: EMERENCIANA D. DE SAGUN

· Volume V Issue I

Malayo ang tanaw ng mga anak nina Aling Ulo at Ising habang nakatingin sa kanilang lupain sa Brgy. Malinis. Sila ay nagkasama-sama sa araw na iyon para sa isang “Family Reunion”. Kasabay nito ay ang pagbabalik ala-ala sa kanilang mga nakaraang gawain at masasayang kwentuhan noong mga bata pa lamang sila.

Labing isang magkakapatid sina Nila. Si Nila ang siyang panganay sa kanila, na kung saan ay bata pa lamang ay nahiwalay na agad sa mag-asawang Ulo at Ising. Kinupkop at inaalagaan siya ng kanyang Tiya Ela hanggang siya ay makatapos ng kolehiyo.

“Ate, nalalapit na ang bakasyon tiyak ipapatawag na uli tayo ng Tiya Ela

sa resort,’’ paalalang sabi ni Juling kay Ana.

“Oo tagay, kailangan natin muling makaipon para sa susunod na pasukan,’’ sagot naman ni Ana.

“Kelan kaya ko makakasama senyo mga ate?” tanong naman ni Erin sa kanyang mga kapatid.

Naku! Baka akala moý madali ang trabaho namen doon, sa sobrang init ay tiyak

mangingitim ka,” paliwanag ni Ana.

“Grabe nga iyong mga panahon na iyon ano? Bata pa lang tayo e tinuruan na agad tayo ng ating mga magulang na maghanapbuhay na para rin sa ating pag-aaral,” ang naiiyak na sabi ni Ana.

“Eto pa iyong nakakatuwa, nang hinabol mo ako ate Ana ng palo ng patpat, hahahaha” …natatawang kwento ni Erin.

“Hahaha…. sadya naman napakatamad mo noong bata ka pa, palagi mo akong tinatakasan kapag may inuutos ko sa iyo.”

“Saan ka ba noon nagpupunta kapag umaalis ka?”, mausisang tanong ni Ana kay Erin.

“Ah, e di doon sa Ibaba sa aking bestfriend sina Menchie at Macon. Naglalaro kami doon sa manggahan, aakyatin namin iyon tapos tatalon kami sa bundok ng dayami. Sobrang saya noon di ba?” Ang nakangiting sabi ni Erin.

“Kaya pala naman ang tutubal ng mga damit mo pag nauwi ka, daig mo pang lalake kung manamit at gumala.” ang sambit ni Ana.

“Bakit? Natulong naman ako sa paglalaba senyo di ga Landa?”

“Oo naman! Kahit papaano e nakakautay kang maglaba. Pero sa totoo lang ate Erin, isa nga ako sa tagahanga mo eh.” ang pagmamalaking sambit ni Landa

“Ngek! Bakit naman?” tanong ni Erin sa kanyang kapatid.

“Aba isipin mo nakapagtapos ka ng elementarya na may karangalan, tapos noong hayskul ka nasa pangalawang pangkat ka pa. Noong kolehiyo ka naman, nag-tututor ka pa para may pambaon ka at iskolar ka pa. At ngayon isa ka ng mahusay na guro, eh di ikaw na ang magaling. Kayo nga lang ni ate Nila ang nakatapos ng may karangalan sa ating magkakapatid eh.” Ang masusing pahayag ni Landa.

“Talaga lang ha? Eh ikaw rin naman, kayo nina Elyn, nakakainggit kasi kayo nakarating sa ibang bansa, maraming pera, iyon nga lang wala pang asawa.” ang pabirong sabi ni Erin .

“Sayang nga eh, kung andito lang sina Nanay at tatay ipapasyal ko sila sa gusto nilang puntahan sa Korea, lalo na ang Nanay” ang malungkot na wika ni Elyn.

“Oo nga eh, ang tagal namin nagtrabaho sa Korea pero kahit isang beses di naming nagawang ipasyal sila doon,” ang dagdag na pahayag ni Boy.

“Ginawan ko naman ng paraan e, kaso nung unti-unti ng nagkasakit si Nanay, nawalan narin siya ng galak na makapasyal roon,” ang malungkot na sambit ni Cesar.

“Pero, kahit papaano naipasyal ko rin naman ang Nanay sa mga lugar dito sa Pilipinas at sadya namang nag-enjoy siya. Katulad na lang ng magpunta kami sa Cebu kung saan nasaksihan namen ang “Sinulog Festival”, at nakatikim kami ng kanilang kilalang masarap na lechon. Sobrang saya noon ni Nanay dahil nakita niya ang kanyang idolong si “Coco Martin”, ng probinsyano.

“Kaya Salamat bunso, dahil sa iyo ay narrating naman ng Nanay ang mga lugar ditto sa Luzon, Visayas at Mindanao, “sambit ni Cesar. Oo, nakasama pa nga ako sa Cagayan De Oro eh, aba, e nakaranas akong sumakay ng eroplano”, ang dagdag na bida ni Nila.

“Ano bang mayroon sa Cagayan De Oro bunso?”, tanong ni Elyn.

Naku! Alam mo naman ang Nanay, napakamadasalin noon, kaya nagpunta kami sa Divine Mercy Shrine di ba ate Nila?” Ay oo, napakaganda doon at sadyang mamangha ka sa laki ng Divine Mercy.” ang kwento ni Nila.

Masayang binabalik-balikan ng magkakapatid ang mga alaala nila kasama ang kanilang magulang na yuamao na. Isa pang nakakapukaw isipan ay ang paggunita sa tuwing ipinagdiriwang nila ang kapistahan ng kanilang barangay, na kung saan ibinida ni Ana ang kanyang mga karanasan sa pagsali sa Flores De Mayo.”

“Di ba malapit na ang kapistahan ditto sa atin mga kapatid? Ano ba ang plano ninyo? Tanong ni Erin.

“Ay oo nga pala, aba ay pupunta kayo ditto at ako at may kaunting handa para mapagsalu-saluhan naten magkakapatid.” ang sagot ni Nila.

“Siyempre naman di kami mawawala at si Jona nga pala ay kinuhang Reyna Emperatriz ng barangay para sa Sagala sa prusisyon,” paliwanag ni Ana.

Kakatuwa naman at hanggang ngayon pala ay gingawa parin ganung tradisyon. Mabuti at mararanasan ng mga bata ang ating mga naransan din noon na tuwing kapistahan tayo ay sumasama sa prusisyon kasabay nito ay ang pag-sagala. Suot-suot ang magagarbong gown at may kanya kanyang titulo o pangalang gagampanan. Ito ang sambit ni Cesar sa kwentuhan nilang magkakapatid.

“May palarong lahi pa nga si kapitan sa bisperas ng kapistahan, tiyak marami ang sasali doon at sadyang nakakatuwa naman nga ang mga laro noon.” Ang nagagalak na sabi ni Nila.

Naku! Parang gusto kong sumali rin diyan ah, at mapapanuod rin ang mga bata para ng sa ganun kilala nila ang mga larong ating pinagkakaabalahan din noong mga kabataan natin.” Ang sambit ni Erin.

Patuloy ang masayang kwentuhan ng magkakapatid ng biglang tinawag na sila ni Landa.

“Mga kapatid tara na sa atin sa ilaya at siguradong hinihintay na tayo ng Nanay sa bahay natin,” pabirong sambit ni Landa sa mga ito.

“Sa bahay na natin tapusin ang ating kwentuhan at pihadong sabik na sabik naman ang bawat isa satin makipagkwentuhan,” dagdag na sambit ni Boy.

Natapos ang kwentuhan at pagbabalik tanaw sa mga ala-ala ng kanilang pamilya. Sila ay sama-samang nagtungo sa matandang bahay ng kanilang magulang kung saan sila lumaki at namuhay. Pagdating nila doon ay isa-isa silang nagmano at humalik sa kanilang mga tiyo at tiyahing naroroon. Masayang-masaya ang kanilang mga kamag-anak sapagkat kahit wala na daw ang mga magulang nila ay nanatili parin ang mga aral at turo ng kanilang magulang sa kanila. Ulila man sila sa magulang ay ang kanilang relasyon at pagmamahal bilang magkakapatid ay di nagbabago sa isa’t isa.