Sa isang tahimik na lugar na kung tawagin ay Barangay Maligaya, nakatira ang isang simpleng pamilya. Si Mang Ponciano ang padre de pamilya at si Aling Bering naman ang ilaw ng tahanan. Pinag kalooban ang mag asawa nang isang malusog na sanggol na pinangalanan nilang Pio. Si Pio ay lumaking mabait, masipag, magalang, mapagmahal at may takot sa Diyos. Isang araw, masayang pinagmamasdan ng mag -asawa si Pio sa kanyang pag-iigib ng tubig na gagamitin ng kanyang nanay. “Mapalad tayo sa ating anak, wika ni Mang Ponciano”. “Oo nga kay buting bata ni Pio”, sagot naman ni Aling Bering. ‘Hindi katakataka kung pag dating ng araw ay mag tagumpay siya sa kaniyang pangarap, sapagka’t bata pa lang siya ay responsible na siya sa kanyang mga gawain, dagdag pa ni Aling Bering.
Tulad ng ibang bata nais din ni Pio na makapag -aral, bagamat hirap sa buhay nag sikap mag-aral si Pio. Matiyaga siyang pumapasok sa paaralan, hindi mahalaga sa kanya kung luma o bago ang kanyang mga gamit sa paaralan, ang mahalaga sa kanya ay ang makapag-aral ng tuluyan. Minsan, habang nag tuturo ang guro tungkol sa mga nais o pangarap ng mga mag-aaral sa kanilang paglaki, nabaling ang atensyon niya kay Pio at tinawg niya ito. “Pio maari mo bang sabihin kung ano ang iyong pangarap pag dating ng araw? Ang tanong ng guro. “Pangarap ko pong maging Kapitan ng ating Barangay, mabilis na sagot ni Pio. Napangiti ang guro at muli siyang tinanong, “Bakit naman ang pagiging Punong Barangay ang iyong nais? “Nais ko pong makatulong sa aking kapwa at ka barangay” ang muling tugon ni Pio. “Palakpakan natin si Pio ang wika ng guro, kahangahanga ang kanyang sagot.” Nag palakpakan ang mga kamag-aral ni Pio. Umuwi si Pio na masaya at ikinuwento sa kanyang mga magulang ang nangyari sa paaralan.
Lumipas ang maraming taon, ganap nang binata si Pio, sa hindi sinasadyang pagkakataon nakilala niya ang nag patibok ng kanyang puso. Isang Maganda at mabait na dalaga na si Binibining Conching. Nagkapalagayang loob sila at hindi nagtagal ay nagpakasal ang dalawa. Pagkalipas ng mga taon, sila ay biniyayan ng mga anak. Namuhay nang masaya ang kanilang pamilya. Dahil sa likas na mapagmahal sa pamilya at marunong makipag kapwa tao si Pio, marami sa kanyang ka barangay ang lumalapit sa kanya kahit sabihin na simpleng buhay lamang ang meron sila. Mga simpleng payo at konting tulong na kaya niyang ibigay sa mga taong pumupunta sa kanya, sa tuwing may mga suliranin lalo sa pamilya ang tumatak sa isipan ng kanyang mga ka barangay, kaya naman mas lalong nakilala ang tulad niya.
Isang araw ng Linggo, habang masayang nagkukwentuhan ang mag-anak, may mga dumating silang mga panauhin. “Tao po! tao po! ang tawag ng isa sa mga panauhin.” Sumilip si Mang Pio sa bintana at natanaw niya na may mga tao sa kanilang tarangkahan. Dali-dali siyang lumabas ng kanilang tahanan upang salubungin ang kanyang mga panauhin. “Magandang araw pareng Pio” wika ni Mang Berto. “Ay! Kayo po pala Mang Berto, Mang Ising pasok ho kayo sa amimg munting tahanan.” ang tugon naman ni Mang Pio. Agad ngang pumasok ang mga panauhin kasama ang ilan pang kabarangay.” Inalok muna silang umupo at sinabihan si Aling Conching na maghanda ng simpleng meryenda para sa mga panauhin. “Ano ho ba ang aking maipaglilingkod sa inyo? bkit po parang napakahalaga nang inyong pakay sa pag dalaw ninyo dito sa amin? ang tanong ni Mang Pio. “Kami ni Mang Berto ay naparito kasama ang ilan sa ating mga ka barangay upang ikaw Pareng Pio ay aming himukin na lumaban bilang Kapitan ng ating barangay sa darating na halalan”, ang wika ni Mang Ising.
Laking gulat nang mag-asawa sa tinuran ni Mang Ising, “Huwag ka nang mag atubili pa, ikaw ang aming napili na aming ihalal na punong barangay sapagka’t nakikita namim sa iyo ang potensyal ng isang mabuting lider para sa ating barangay”, wika ni Mang Berto. “Naniniwala kami na ang tulad mo ang karapat-dapat naming suportahan “, wika naman ni Mang Ising. Nagkatinginan ang mag-asawa na parang tinitimbang ang isasagot sa mga panauhin. Kapwa di nila inaasahan ang pangyayaring iyon. “Maganda po ang inyong pakay, ngunit maari po bang pag isipan at pag usapan muna naming mag-asawa ang bagay na ito? ang tugon ni Mang Pio. “Syempre naman Pareng Pio, desisyon pa rin po ninyo ang masusunod kami lang po ay naririto upang sakali na kami ay mapagbibigyan sa aming kahilingan.” Sabi ng isa pang kabarangay. “Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala sa akin” ang nakangiting sagot ni Mang Pio, hayaan po ninyo at kung anuman po ang aming magiging desisyon ay amin po agad ipararating sa inyo” ang dagdag pa ni Mang Pio. Hindi nagtagal at nag paalam na rin ang kanilang panauhin. Agad naming pinag-usapan nang mag-asawa ang bagay na iyon. Bagaman medyo tutol si Aling Conching dahil alam niya na malaking hamon iyon para kay Mang Pio, subalit alam din niya na bata palang si Mang Pio ay iyon na ang kanyang pangarap. Sa huli, nagkasundo ang mag asawa na tanggapin na ang alok ng kanilang mga ka- barangay.
Pagkalipas nang ilaw araw muli na namang bumisita sina Mang Berto, Mang Ising at ang ibang kabarangay. Hindi naman sila nabigo at tinanggap na ni Mang Pio ang alok sa kanya. Pinag handaan nila ang halalan, nag tulungan sila sa anumang dapat gawin, marami ang sumama sa kanyang pangangampanya sadyang hindi biro ang hirap at pagsisikap nila para sa darating na halalan. Hindi nagtagal, sumapit ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Araw ng Halalan ang lahat ay nag aabang sa magiging resulta nito. Maya-maya pa natapos na ang bilangan, halos lahat ay nasasabik na malaman kung sino ang nagwagi sa botohan, itinanghal na Punong Barangay si Mang Pio,” Mabuhay si Kapitan Pio! Mabuhay!” Ang paulit -ulit na sigaw ng kanyang mga kabarangay, magkahalong emosyon ang naramdaman ni Kapitan Pio. Masaya siya sapagkat pakiramdam niya ay mabibigyan ng katuparan ang kanyang munting pangarap. Sa kabilang banda naman ay ang pag aalala sa napakalaking responsibilidad na mapapaatang sa kanya. Sandali siyang pumikit na tila nag dasal “Panginoon, alam ko po na ito ay ibinigay Ninyo sa akin, ito po ay lubos kong tinatanggap, ang akin pong hiling ay ang Inyong laging paggabay sa bawat desisyon na aking bibitawan, maraming salamat po” ang pabulong niyang wika.
Sa tulong at paggabay ng mga taong nagluklok sa kanya, si Kapitan Pio ay ganap na naging Punong Barangay nang Luntal. Nanungkulan siya ng maraming taon, tumulong sa mga pangangailangan ng mga ka barangay lalo na sa panahon ng kalamidad. Sinisikap niyang magkaroon lahat ng tulong galing sa gobyerno ang bawat pamilya, mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Katulong niya ang kanyang pamilya sa pagbibigay ng mga pagkain at damit na galing sa pondo ng gobyerno. Naglalaan ng oras sa paghahanda ng Pista nang Nayon at iba pang mga kasiyahan, naging masaya ang bawat handaan sapagka’t may mga tugtugan at sayawan. Masaya ang bawat isa lalo na kapag at nalalapit na ang mga kasiyahan at handaan, bawat isa ay nagtutulungan. Minahal at iginalang siya ng lahat. Umabot sa tatlong termino ang kanyang panunungkulan.
Subalit may mga bagay na di inaasahan, isang gabi sa kanyang pag uwi galing trabaho ay isang aksidente ang nangyari, nabundol ng humaharurot na sasakyan si Kapitan Pio at siya ay tumilapon sa damuhan. Habang ang drayber ng sasakyang bumundol sa kanya ay patuloy na tumakbo at hindi man lamang siya tinulungan. “Tulong! Tulong! tulungan nyo ako! ang paulit ulit niyang binibigkas. Mabuti na lamang at may isang kabarangay ang dumaan at narinig ang ungol na tila nahingi ng tulong. Laking gulat ng lalaki ng makita na si Kapitan Pio ang nakahandusay sa damuhan. “Kapitan kayo po pala anong hong nangyari sa inyo? hindi na nahintay pa ng lalaki ang tugon ni Kapitan at dali-dali na siyang humingi ng tulong upang maipaalam sa pamilya at sa mga ka-barangay ang nangyari. Laking gulat ng kanyang pamilya, halos di magkamayaw ang bawat isa, dinala siya sa ospital upang malunasan ang sugat na kanyang tinamo.
Sa ospital, ipinatawag niya ang kanyang buong pamilya, “Mga anak…… (ang pabulong na sabi niya, halatang hirap sa pag sasalita dahil sa iniindang sakit dulot ng pagkabundol niya) huwag ninyong pababayaan ang inyong inay, mahal na mahal ko kayong lahat, inyong ipagpatuloy ang aking nasimulan sa ating barangay, at tuluyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Opo Tatay ang tanging nasambit ng mga anak, kasunod noon ay tuluyan ng binawian ng buhay si Kapitan Pio. “Tay! ang malakas na sambit ng mga anak na tila hindi makapaniwala sa nangyari. Maging si Aling Conching ay tila natulala, “Pio, mahal ko, bakit kailangang mawala ka sa amin.” ang katagang kanyang nasambit. Sobrang sakit para sa pamilya ang nangyari, gayundin sa mga taong nagpapahalaga sa kanya. Hindi makapaniwala ang lahat na wala na ang taong nagbigay sa kanila ng pagmamahal at suporta.
Nag- iwan ng isang makasaysayang pangyayari ang buhay ni Kapitan Pio. Pinarangalan siya sa munisipyo sa Bayan ng Tuy na may nakapatong na watawat sa kanya, bilang pagkilala at pagsaludo sa kabutihan at paglilingkod niya sa Barangay Luntal. Napakarami ang nakipaglibing, may mga nagbigay ng mga huling pasasalamat sa kabutihang ibinigay ni Kapitan Pio sa kanilang pamilya. Mababakas sa mga mata ng mga ka barangay niya ang lungkot at panghihinayang sa pagkawala ng kanilang Punong Barangay. Isang mabuting ama, masayahing kaibigan, at tapat sa sinumpaang tungkulin, mga katangian na iniwan sa isipan ng bawat-isa.
Sa kabila nang lahat, hindi naman nabigo si Kapitan Pio sa kanyang mga anak, ang kanyang panganay na anak at pangalawang anak ay pawang naging konsehal ng barangay, naglingkod ng naayon sa itinuro sa kanila ng kanilang ama, ang iba ay nagkaroon ng ibang katungkulan sa barangay, Nagsikap naman mag-aral ang mga nakababatang mga anak at ngayon nga ay pawang mga guro na sa iba’t ibang paaralan na sakop ng bayan ng Tuy. Samantalang ang bunsong anak ni Kapitan Pio ang mag papatuloy ng kanyang sinimulan. Siya ay kinilalang si Kapitan Vho, bata pa lamang ay namumuno na rin sa mga Samahan ng mga Kabataan sa barangay. Tulad din ni Kapitan Pio, si Kapitan Vho ay may puso para sa lahat, nagbibigay nang buong makakaya sa kanyang nasasakupan, buong lakas at tapang na hinaharap ang bawat pagsubok na dumarating sa barangay.
Minsan, habang si Kapitan Vho ay nagpapahinga ay may bigla siyang naalala, bata pa lamang siya noon, tandang tanda niya ang sabi ni Kapitan Pio,” anak ikaw ang aking bunso, ikaw ang magpapatuloy ng aking nasimulan sa ating barangay, “ang sabi ni Kapitan, “opo tay! “ang mabilis naman niyang sagot, napangiti na lamang si Kapitan Pio sa tinuran ng anak, na bagaman musmos pa lamang ay pumapayag na sa isang obligasyon. Maya-maya pa isang tawag sa telepono ang nag pabalik sa kanyang pag iisip. Kriiiiing! Kriiing! “Hello po, sino po sila? Ano po ang maipaglilingkod ko? Mga tanong na tila ba nangyari na noong panahon ni Kapitan Pio. “Kapitan may naganap pong aksidente kailangan po namin ang tulong n’yo!” ang tugon ng kausap sa kabilang linya ng telepono. Isang tawag ng tungkulin, kaya nagmamadaling umalis upang puntahan ang taong nangangailangan ng kanyang serbisyo. Walang oras na sinasayang, para sa kanyang paglilingkod.
Kaylanman hindi niya nakalimutan ang pangako nilang magkakapatid kay Kapitan Pio na ipagpapatuloy nila ang magandang nasimulan ng kanilang ama para sa barangay. Lagi niyang naiisip na ang kanyang serbisyo ay hindi lamang para sa barangay bagkus ay sa katuparan ng isang pangako para sa pangarap ng kanyang ama. “Tay! alam ko po na masaya po kayo sapagkat nabibigyang katuparan namin ang iyong pangarap’, ang minsang naibulong ni Kapitan Vho sa kanyang sarili, noong minsan na nakatapos siya ng isang pagganap nang isa pang tungkulin. Sa kasalukuyan, patuloy na nanunungkulan si Kapitan Vho sa barangay, siya ang magtutuloy ng pangarap na minsan ng naudlot subalit kayang maabot at patuloy na tutuparin Si Kapitan Pio noon, Kapitan Vho ngayon ang naudlot na pangarap noon nadugtungan at nagkaroon ng katuparan na sa ngayon.
MELC BASED
ESP-6 Q3
Layunin:
Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng:
a. Pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay
b. Kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili sa bayan.
c. Pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino.