·
Sa bawat pagbigkas ng dila
Sa t'wing ito'y tuluyang nagsasalita.
Tila nagsilbing isang batayan,
Upang matuklasan ang lupang sinilangan.
Sa bawat pakikibahalubilo sa kapwa,
Bitbit ang wikang ibinabandila.
Wikang Filipino nga pala,
Sumisimbolo ng pagiging dugong Pilipino!
Sa bawat salitang ibinibigkas.
Walang laban ang matatalim na armas
‘Pagkat ang wikang Filipino ay mapangahas
Mayamang kultura ang magsisilbing bakas.
Taglay nito’y kapangyarihan,
Sa labanang walang kalaban.
Wika lamang ang ating sandata,
Tunay na sumamsalamin sa ating ipinagmamalaking kultura.