ABSTRAK
Ang pagaaral na ito ay naglalayon malaman ang opinyon ng mga guro sa isyung ito at kung ano ang nagiging epekto nito sa mga mag-aaral sa piling paaralang elementarya ng Tuy. Sinasabi na ang pagkakaroon ng disenyo sa silid-aralan ay nakakaapekto sa mga mag-aaral para matuto, sa kadahilanan hindi sila nakakapagpokus sa itinuturo ng guro na nasa unahan, sinasabi din na hindi kaaya-aya tignan ang isang silid-aralan kung ito ay puno ng mga dekorasyon na syang nagiging dahilan ng distraksyon. Ang pag-aaral na ito ay layunin na malaman kung ano ang mga epekto nito sa mga guro, mag-aaral at magulang sa isyung pagtanggal ng mga disenyo o dekorasyon sa loob ng silid-aralan sa piling paaralang elementarya ng Tuy. Labing lima na guro (15) ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginagamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring estadistikong pearson r, imdependent t-test at F test. Natuklasan sa pag-aaral na kapag nababasa ng malinaw at maayos ang isang teksto ay mauunawaan at mabibigyang kahulugan ang nilalaman. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang kasanayan pagbasa ay isa sa pinakamahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.
Mga Susing Salita: saloobin, disensyo, silid-aralan