Return to site

SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG SA PAGKATUTO NANG TAMANG PAGBASA SA FILIPINO
SA PANAHON NG PANDEMYA

KIRLEEN JOY D. EALA

· Volume IV Issue III

ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng tamang pagbasa at pag-unawa sa teksto ng mga mag-aaral sa baitang pito (7). Sa nasabing pananaliksik nahalaw ang mga sumusunod na konklusyon. Mas mataas ang bahagdan ng mga mag-aaral na nakauunawa sa teksto kaysa sa bahagdan ng nakakakilala ng salita. Marami sa mga kalahok ang hindi nakababasa nang mabilis at nakakakilala sa mga salitang binabasa.

Makikita na may malaking kaugnayan ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral batay sa Phil IRI at saloobin sa kakayahan ng pagbasa ng mga respondente. Sapagkat nasukat ang kakayahan ng mga respondente sa tamang pagbasa at pag-unawa sa teksto. Ang gawaing materyal sa pagkatuto sa pagbasa ay dinisenyo ng mananaliksik na batay sa resulta ng pag-aaral na ito. Ito ay isinagawa upang mas mapag-ibayo pa ang pagkatuto ng mag-aaral sa pagbasa lalo na sa pagkilala at pag-unawa ng mga salita na nasa teksto na kung saan malaki ang paroblema sa antas ng pagbasa ng mga mag-aaral.

Keywords: Pagbasa, Pag-unawa, Panahon ng Pandemya, Saloobin, Teksto