ABSTRACT
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang saloobin ng mag-aaral gamit ang mapanuring pagbabasa sa Baitang 10 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Payapa.
Ang paraan ng pag-aaral ay ang tinatawag na deskriptibo o paglalarawan sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ito ang siyang pinakaangkop na paraan sa pag-aaral dahil sa ito ay madaling maunawaan. Ang mga respondente sa nasabing pag-aaral ay may dalawaangdaan dalawampu’t anim (226) mga mag-aaral mula sa Ika-sampung Baitang ng Payapa National High School.
Sa nasabing pananaliksik nahalaw ang mga sumusunod na konklusyon. Ang mga edad ng mag-aaral na kalahok ay tama lamang sa kanilang antas. Napag-alaman din sa pag-aaral na ito na walang kinalaman ang kanilang mga katangian sa kanilang mga kasagutan. Ang pagkakaroon ng saloobin ng mga mag-aaral gamit ang mapanuring pagbabasa sa mga suliraning kinaharap ng mga respondente ay mahalaga sa mga mga-aaral para sa kabuluhan nito. Kaya naman ang pagbuo ng pansariling babasahin na mga gawain ay nagawa. Batay sa mga konklusyon, iminumungkahi ang pagkakaroon ng mga mag-aaral ng positibong pananaw sa magandang maidudulot ng mapanuring pagbabasa. Para naman sa mga guro, mahalagang patuloy nilang subaybayan ang mga mag-aaral sa pagbabasa para sa makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Mga Susing Salita: Deskriptibo, Mapanuring, Pagbasa