Wikang Filipino, tunay kang kakaiba,
Likas na kayamanang dapat ay suriin.
Orihinal na tunog, titik na kay ganda,
Na kung pagsasamahin, sadyang kamangha-mangha.
Ang "po" at "opo" di na kailangang aralin,
Ito'y namumutawi sa labi ng kabataan.
Pakinggan at kausapin, musmos na bata man,
Nasasalamin dito, aral ng magulang.
Masasabing ito ay simpleng bagay nga,
Ngunit yaman din kung ating susuriin.
Halinat bisitahin, pagmasdan ang tanawin,
Ang aming lupang sinilangang mahal.
Ngayon ay pagmasdan, kanyang kapaligiran,
Mararahuyo ka sa ganda't kagandahan.
Ang mga banyaga nais manirahan,
Sukdulang abutan ng dapithapon diyan.
Kultura't tradisyon, yaman ng lahi,
Sa bawat sulok, buhay na kasaysayan.
Musika't sayaw, sining na dakila,
Pilipino'y ipinagmamalaki ka.
Bawat salita'y may lalim at kahulugan,
Taglay ang diwa ng ating kasaysayan.
Sa bawat bigkas, damdamin ay sinasalamin,
Ang puso ng bayan sa wika'y nalalaman.
Mga salitang kay sarap pakinggan,
Sa bawat titik, damdamin ay nahahayag.
Wikang Filipino, ikaw ay tanglaw,
Sa pag-unlad at pagkakaisa ng bayan.
Tayo'y magtulungan, wikang ito'y payabungin,
Ito ang ating yaman, huwag kalilimutan.
Wikang Filipino, sa puso'y mahalin,
Sa bawat henerasyon, ito'y ipamana.