Sa isang lugar na aking kinasadlakan,
May isang katanungang hindi mabigyan ng kasagutan,
Napaikot na lamang at taglay ang agam-agam sa isipan,
At nasambit sa sarili na hindi ito ang aking tamang daan.
Ang aking bansa ay ang tunay kong kayamanan,
May nakamamangha na kultura saanmang dako ay hinahangaan,
Ang mayamang wikang bunga ng pakikipaglaban,
Patuloy na sumasalamin ng kasarinlan ay pinag-uusapan,
Sapagkat ang bawat letra nito o salita ay madali kong naiintindihan.
Tama ba kaya na sumubok ang sarili upang ito’y hanapin?
At sa’king pagmumuni ay nagdulot na ng di tuwid na landasin,
Bunga nito ay pagkabalisa sa tamang tunguhin,
Kaya naman binalikan kulturang Pilipinong dating nakagisnan,
Na sa aking puso at diwa’y nagdulot ng kapahingahan.
Ang bawat kataga sa’king wika ay masarap sambitin,
Idagdag pa ang kahulugan na dapat kong namnamin,
Hindi nga ba kahit mga musmos ito’y nawiwika din?
Na makikita sa bawat inosenteng mukha at buka ng bungangang masiyahin.
Wikang Filipino’y dapat ipagmamalaki at pagyamanin!
Nang hindi naliligaw sa ating mga nanaisin,
Tiyak mauunawaan sinuman ang kahaharapin,
Dahil sa Wikang Filipino, ang mayamang kultura’y nasasalamin!