Return to site

SALAMIN: BULONG NG WIKANG FILIPINO

ni: MARIE CLAIRE B. BRIONES, Ed.D

Kay gandang pagmasdan ang ngayon at hinaharap

Mga nagpagdaanang hirap ngayon ay kay sarap

Dating di mo matanaw liwanag ng bukas

Ngayon taglay mo na, pangarap sa wakas

 

Ngunit ngayon mga mata'y diretso na kung tumingin

Tinig sa nakaraan ni ayaw nilang lingunin

Tinig na halos paubos na't di na marinig

Bulag, pipi't, bingi ngayon ang kanilang naging tindig

 

Luha'y namumuo at unti-unti ng pumapatak

Nakaraang ikaw ay kaakibat sa bawat hatak at batak

Di ka sumuko bagkus patuloy kang sumabak

Di ka nagpatinag, kahit ang iba'y pababa ang hatak

 

Tila nakaraan nila'y di na kayang lingunin at balikan

Tila bang ang bakas ng kahapon ayaw ng halikan

Kinalimutan na nila mga kahapong nagdaan

Ngayon ikaw ay para sa kanila dina kawalan

 

Salamin sana'y wag kalimutan

Salamin sana"y wag hayaan

Salamin sana'y muling balikan

Salamin na Wikang Filipino para sa magandang kinabukasan.